☪️ CHAPTER 55☪️

1.1K 59 6
                                    

HELLIA POV:

"Arrggh." nakabangong daing ko habang nakahawak sa akin ulo.

"Ang sakit ng ulo ko parang nahang-over ako na ewan." sabi ko sa aking sarili at inalog-alog ko ang aking ulo para mawala ngunit parang mas nahilo pa ako.

Mapapahiga na sana ako sa pagkahilo ko ng may humawak sa aking likuran kaya napatingin ako sa taong humawak sa akin at bumungad sa akin si Caden na ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hinawakan ko mukha niya ng buong palad ko at inalayo siya sa akin saka ako napa-upo ng maayos.

"Ang lapit ng mukha mo sa mukha ko caden." naiinis kong sabi.

Halos mag lips to lips na kami ok lang sana kung sa pisngi eh pero sa lips ewww!.

"Prrff."

Napalingon ako sa gilid ko at nagulat ako dahil may nagsisiksikan sa labas ng tent ko as in sa labasan ng tent pero sinamaan ko sila ng tingin dahil naghihikgikan sila. Pinagtatawanan ba nila ako?

"Anong tinatawa n'yo d'yan? Siguro may ginawa kayong kalokohan sa akin noh?" tanong ko sa kanila na ikinatawa nila apat as in sila moonia, nine, charlie, at mike maliban kayla caden na nasa tabi ko at kina Zero, Flynn at Damion na chill lang sa labas na nakaupo lang sa lupa.

Anong ginagawa nilang tatlo dito?

Hindi ako makapakali kaya hinanap ko yung salamin ko sa aking pouch at tiningnan ang mukha ko baka pinagdodrawingan nila ako sa mukha habang tulog ako ngunit pagcheck ko ay wala naman.

Napalingon naman ako sa apat, "Ano bat!—." napangiwi ako dahil nagtatakip sila ng kanilang bibig na animo'y pinipigilan nila tumawa.

May nangyari ba at kung makatawa sila parang wagas.

"Ano bang meron at natatawa kayo, may nalalaman ba kayo na hindi ko alam?" nagtataka kong tanong at tumingin kay caden ngunit umiwas ito na ikinakunot ng noo ko.

Anong meron? para silang timang tumatawa ng walang dahilan. Teka... naglalakad lang ako kanina bakit nandito na ako sa tent?

"Teka nga lang paano—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may pumasok sa isip ko.

Habang naglalakad ako kanina biglang nanlabo ang aking mata saka naman dumating sila Nine ngunit mas lalo itong dumidilim hanggang sa...wala na akong maalala.

"May naalala ka na?" Nine

"Ano bang nangyari?" balik kong tanong habang nakatingin sa kanila.

"Nagwala ka lang naman kanina." sagot ni Damion.

"Huh?! Ako?" turo ko sa aking sarili. "Panong nangyari yun?" sabay tingin sa braso ko at kamay, "Kung nagwala ako dapat may gasgas ako." nagtataka kong sabi na patuloy na tinitingnan ang braso ko.

"He's just joking, don't believe him." sabi ni Flynn kaya tumingin ako kay Damion at nagroll-eyes sya. Tsk! Bakla.

"Ang totoo niyan Hellia may humalik kay ca—hmmm."

Nabigla ako sa kanila ng sabay-sabay nilang hinawakan ang bibig ni mike kahit ang mga mata nito pero dahil ang daming kamay ang nakatakip ay halos buong ulo n'ya natatabunan ng kamay.

"Mike diba girlfriend mo ako? May karapatan akong putulin ang dila mo since hindi ka naman magagalit kasi girlfriend mo ako." nanindig ang balahibo ko ng ngumiti ng nakakatakot si Charlie.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now