☪️ CHAPTER 11☪️

2.7K 149 2
                                    

Professor Sophia POV:

Napatingin ako sa taong nag abot ng isang panyo sa harapan ko.

"Walang magagawa ang pag-iyak mo." nakafierce ang kanyang mukha habang sinasabi nya yun.

Teka... sya yung batang nabuhusan ng malamig na tubig na para dapat sa akin.

Nakatingin parin ako sa mukha nya. Napakagandang bata pero biglang nagpop-up sa isipan ko na baka pati sya hinuhusgahan din ako.

Malinis akong babae at mali ang iniisip nila tungkol sa akin. Wala akong magawa, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa mga maling haka-haka nila.

"Kunin mo na nangangalay ang kamay ko." napatingin ulit ako sa babaeng to.

Walang galang ang isang to sa professor nya but sanay na ako dahil tulad ng ibang istudyante ay walang galang.

Nagulat ako ng kinuha nya ang kamay ko at sya na ang naglagay ng panyo sa mismong palad ko.

Tumayo sya ng tuwid at pinasok ang kanyang kamay sa pocket ng kanyang uniform.

"Matanda ka na para umiyak." iniinsulto ba ako nito?

Magsasalita na sana ako para pagsabihan sya ngunit naunahan nya ako.

"Isa kang professor dapat ang mga istudyante ang sumusunod sayo hindi yung ikaw ang sumusunod sa mga istudyante mo. Kung patuloy kang iiyak dyan ibig sabihin tinatanggap mo ang mga sinasabi nila sayo. Nasa Serpent Academy ka kahit baguhan lang ako dito alam ko na kailangan maging matapang sa mundong ito. Wag mong pakinggan ang mga sinasabi nila ipakita mo kung sino ka ba talaga, na walang issue ang buhay mo. Kung patuloy na ganyan ang buhay mo walang patutunguhan yan." mahabang linya nya saka nya ako nilagpasan.

Naramdaman kong biglang humangin sa pagdaan nya at doon pumasok sa isipan ko ang realidad.

HELLIA POV:

"Hi may boyfriend ka na ba?"

"Super cool ng name mo."

"Anong skin care mo? Pashare naman baka sakaling gumanda ako."

"Ang ganda naman ng mga mata mo."

"May lahi ka ba?"

Mga samo't saring tanong at komento nila sa akin pero habang ako nakacross-arm lang habang nakatitig sa nakabukas na libro na nakapatong sa desk ko.

Pinapabayaan ko na lang sila magsalita at magtanong tutal may sumasagot naman imbes na ako.

Kapwa classmate ko din ang sumasagot sa mga tanong ng classmate ko.

Nilipat ko ang page ng librong binabasa ko na hiniram ko kay Moonia ng mayroong nagbagsak ng pintuan na ikinatingin lahat ng mga kaklase ko maliban sa akin na busy sa pagbabasa.

This book is interesting.

"Eyy Prof Sophia, Prof Sop Sop HAHAHAHA."

"HAHAHAH."

"SHUP UP!"

.
.
.

THIRD POV:

"SHUP UP!" napatigil ang lahat ng sumigaw ang kanilang professor kasama ang paghampas nito sa kanyang lamesa ng isang baseball bat.

Walang nakakaalam kung saan galing ang hawak nya dahil pagkapasok palang ng prof ay hawak na nya ito.

"Oh ow si Prof Sophia galit na mukhang pinapatigas nya ang kanyang loob para kalabanin tayong lahat. Prof! Bakit hindi ka na lang kasi umalis? Alam ng lahat na nasa classroom na ito ay isa k-"

Hindi pinatapos ng isang istudyanteng babae ang kanyang sasabihin ng biglang may nag-angat sa kanya pataas habang hawak ang kanyang leeg.

"What did I said?... I said Shut. up. the. f*ck. up." madiin na saad ng professor at hinigpitan ang pagkakahawak nya sa leeg ng kanyang istudyante.

Tama ang basa nyo dahil ang nag-iisang prof na laging binubully ay hawak nya ang leeg ng kanyang istudyante.

Lahat ng nasa classroom na yun ay nagulat sa nakita dahil hindi nila inaasahan na magbabago bigla ang kanilang professor dahil siguro punong-puno na sya sa kanila.

"H-hindi ackk a-ko acckk m-makahinga." nahihirapang sabi ng babaeng istudyante habang pinapalo ang kamay ng professor para tanggalin ang kamay nito sa kanyang leeg.

Binitawan naman ang prof ang kanyang istudyante na ikinaupo na kanyang upuan ngunit natumba ang upuan kaya nasama sya nito.

Napahawak naman ang babae sa kanyang pwetan dahil sa pagkakabagsak.

Tiningnan lang sya ng kanyang professor at agad syang tinalikuran nito.

"Simula ngayon hindi na ako magiging mabait sa inyo, kayo ang nagpasimuno nito kaya uupisahan ko na din. Una sa lahat ayaw ko nang maririnig ang tungkol sa akin mula sa inyo dahil wala itong katotohan. Kung gusto nyo ng patunay ibibigay ko sa inyo pero pagkatapos nun ilalabas ko ang baho nyo." nakangising saad ni professor Sophia na animo'y alam nya ang lahat ng sekreto ng kanyang mga istudyante.

Naging kabado naman ang mga istudyante sa ngising yun.

"Pangalawa para sa mga babaeng istudyante ko, pag-inggit pikit. Pagnaiinggit kayo sa akin pumikit kayo hindi ko kasalanan mas maganda ako kaysa sa inyo mas mabuti pang dagdagan nyo pa ang foundation sa mukha nyo ng sa ganon wala na kayong mukha na maihaharap."

Natawa naman ang mga boys sa sinabi ng kanilang prof dahil tama ang sinabi ni prof sophia dahil halos hindi na makita ang natural na mukha ng kanilang mga kaklaseng babae dahil sa kapal ng foundation.

"Pangatlo para sa mga lalake, manahimik na lang kayo sa gilid kung kayo ay binusted ko, matanda na ako hindi tayo talo ang ayaw ko sa lahat sa mga binabusted ko ay gagawa sila ng paraan para masiraan ako." seryosong saad ng professor at tiningnan ang mga istudyante nyang lalake.

Habang si Hellia ay nakangite lang habang umiiling-iling na nagbabasa.

"At last, ang gusto ko, lahat ng ipapagawa ko gagawin nyo ang aangal sa mga pinag-uutos ko lalabas ng paika-ika gamit ang baseball bat na ito, Maliwanag?"

Tanong ng kanilang professor habang pinapalo sa kanyang kamay ang baseball bat ngunit walang sumagot sa kanyang tanong.

Booggsshh*

Nagulat ang lahat ng hinampas ng professor ang baseball bat sa lamesa kaya nagkaroon ito ng crack.

"OPO!" sagot ng kanyang mga istudyante na ikinangite ng professor.

'Dapat pala noong ko pa ito ginawa sa kanila.' na nasa isip ng professor dahil nasisiyahan sya dahil sumusunod na sa kanya ang kanyang mga istudyante.

Tumingin naman sya kay Hellia na nasa dulo habang nag nagbabasa, hinayaan nya na lang ito tutal nagbabasa naman ito at walang ginagawang iba.

Nagsimulang nagturo si professor sophia at ang kanyang mga istudyante ay tahimik lang nakikinig sa kanya habang nagtatake down notes.

Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon