☪️CHAPTER 16☪️

2.6K 137 12
                                    

HELLIA POV:

Pagkalabas ko ng classroom namin ay agad kong nakita si Caden. Hinihintay siguro ako nito.

Ang daya bakit mas nauuna silang lumalabas kaysa sa section namin dapat fair kami.

Pero...

Kung hinihintay ako ni kuya pano ako makakapunta sa training room?

"Hellia let's go." aya nya sa akin.

Hayst hindi ako makahindi kay Caden kung parati syang seryoso. Ano bang nangyari sa kanya at kanina pato nagsusungit? Psh.

"Ahm pwedeng ikaw na lang mauna sa dorm?" hindi sa dorm ko kundi sa kanya.

Kumunot naman ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.

"And why?"

Hehehe sasabihin ko ba? Or wag na lang? Pero mas maganda siguro kung wag na lang baka magalit sya pagsinabi ko pa.

"Ahm magkikita kasi kami ni Nine." mabilis kong sabi habang tinanggal ang bag sa likod sabay bigay sa kanya.

"Kaya sayo muna to at kukunin ko na lang mamaya. BYE!" mabilis akong tumakbo palayo sa kanya at narinig ko pa syang sumigaw.

"HELLIA!!"

Alam kong magagalit na naman sya sa akin mamaya pero kailangan ko talaga tong gawin para hindi ako umaasa sa kanya.
.
.

TRAINING ROOM

Pagkarating ko sa training room ay napa 'wow' ako dahil sa ang ganda at ang cool.

Ang ganda dahil ang linis at maaliwas isama mo pa ang mga Equipment para sa pagti-train at ang cool dahil ang daming...
.
.
.
.
.
.
.
ROBOTS.

I don't kung para saan ang robot pero ang hula ko ay para silang mga mentor.

"Hey! pretty hellia." bigla namang sumulpot sa harapan ko si Nine na nginitian ko na lang.

Di ko alam kung gusto nya ba akong gulatin palagi dahil lagi na lang syang sumulpot ng pagbigla-bigla.

"It's cool isn't?" tiningnan nya din kung saan ako nakatingin.

"Yeah." wala sa sarili kong sagot sa kanyang tanong.

"Here." napatingin ako sa inaabot nya sabay tingin sa kanyang mukha pabalik sa hawak nya.

Damit? Ano naman gagawin ko dito? Pangpunas ng pawis?

"Ayy salamat kanina pa ako pinagpapawisan dahil sa pagtakbo ko." sabi ko sabay punas ng pawis sa noo.

Lumapit sya ng kaunti sa akin at agad akong pinitik sa noo na agad naman tinakapan ng kamay ko.

"Ouch!. Bakit?" Inis kong tanong sa kanya habang hinihimas-himas ang noo ko.

Ang sakit! 。・゚゚*(>д<)*゚゚・。

"Tanga! Hindi kasi pangpunas ng pawis yan pangpalit mo yan! Since nandito ka kailangan mong magdamit ng tama hindi yung nakaskirt ka pa." agad akong napabusangot.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Kailangan mo pang mangmitik ng noo eh noh?" sarcastic kong sabi.

Ang lakas kaya ng pitik nya sa noo ko tumunog pa nga ang skull ko dahil sa pagkakapitik nya. May nakatayo sigurong redline sa noo ko dahil sa lakas ng pagkakpitik nya.

"Akala ko magegets mo agad.. yun pala may pagka-slow ka." sabi nya at hinihilot ang itaas ng kanyang ilong.

Akala mo naman ang laki ng problema nya. Psh.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now