☪️ CHAPTER 56☪️

Start bij het begin
                                    

"Opo." nakayukong tugon ng dalawa.

Ibinaling ko muli ang tingin kay HM. "Bakit n'yo pala natanong?"

Tumingin din ito sa akin bago sumagot, "Ikaw ba nag-utos na sa lalaking yun na kunin ang babaeng nangangalang Hellia?" napakunot ako sa tanong ni HM.

Bakit ko naman siya kukunin? At anong dahilan ko para kunin siya?

"Pinaghihinalaan n'yo ba ako HEAD MASTER?" tanong ko at pinagdiinan pa ang 'Head Master.'

"Hindi sa ganon Mateo pero alam kung type mo ang babaeng yun sino ba naman hindi? Sa gandang bata ba naman nun, yung ugali lang talaga ang hindi ko gusto sa kan'ya pero kung gusto mo ang babaeng 'yun pwede mo ako kausapin at mga professor mo tungkol d'yan." sambit niya at hinawakan ako sa magkabilaang balikat.

"Hindi ako ang may utos sa kaniya." tinanggal ko ang kamay ni HM sa pagkakahawak sa balikat ko, "At isa pa kung type ko man siya eh ano naman ngayon? Hindi ako mag-uutos ng kung sino para kunin siya kung kaya ko naman s'yang kausapin kahit ang daming nakapaligid sa kan'ya." malamig kong pukol sa HM.

"HAHAHAHA." tawa n'ya at inakbayan ako para mapalapit sa kan'ya.

Baliw!

"Gusto kong kunin mo siya." mahinang sabi niya sapat na para hindi marinig ng iba kundi kaming dalawa lang.

Mabilis akong napatingin sa mukha niya para makumperma kung seryoso siya at nakita ko naman sa kaniyang ekspresiyon na seryoso siya.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Nandito tayo HM para magsaya hindi para makipag-away sa kabilang Academy."

"Baka nakakalimutan mo kung ano ginawa nila sa isa nating istudyante." mas naging seryoso ang mukha niya. "Sila ang nagsimula nito." dugtong niya at inalis ang kaniyang kamay sa pagkaka-akbay sa'kin.

"Hindi." sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo sa sagot ko.

"Ang istudyante natin ang may kasalanan HM. Pumunta siya doon sa teritoryo o camp site ng Serpent, alam n'ya naman siguro kung ano mangyayari sa kaniya kung hindi naman s'ya tatanga-tanga." sambit ko.

Bagong istudyante ang isang 'yun pero marami na siyang nalalaman sa pagitan ng Tylexian at Serpent dahil bago sila pumasok naka-explain na ito sa kanila upang mapalayo sila sa kapahamakan.

"Alam ko pero... gusto kong ayain mo siya at sumama sa atin para maging parte ng Tylexian." nabigla ako sa kaniyang sinabi.

Paano ko aayain ang isang Hellia kung palaging nakadikit sa kaniya ang kaniyang kuya?

"Don't tell me HM na—." pinutol niya ang dapat kong sasabihin.

"Yes." sagot niya.

Hindi niya alam kung ano iniisip ko pero agad siyang sumagot.

"What?! Pumapatol ka sa bata HM." napatingin naman sa amin ang mga professor kasama ang dalawa kung kaibigan ngunit sinamaan sila ng HM kaya nagsibalikan sa kanilang ginagawa.

I was thinking na baka may gusto ang gurang na'to kaya gusto niyang ipakuha sa akin si Hellia para palagi niyang makikita siya.

Agad naman akong binatukan ng HM na ikinadaing ko. Aray!

"G*go sa tandang kung to pumapatol ako sa bata?" inamin niya din na matanda siya.

"Gusto ko lang na sumapi siya sa atin dahil ang batang 'yun may kakaiba sa kan'ya. Nararamdaman ko ang ang mabigat n'yang aura sa loob kung titingnan mo s'ya sa panlabas ang gaan-gaan lang nito, hindi ko mawari kung namamalikmata ako o umiiba na ang senses ko pero may kakaiba sa kaniya." lintanya.

Anong kakaiba kay Hellia? Sa pag-i-stalk ko sa kaniya ng bahabang panahon wala namang kakaiba sa kaniya maliban sa mood swing niya.

"Namamalikma ka lang HM pero hindi ko gagawin ang gusto mong ipagawa." marahan niya naman akong tiningnan.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ko sa kaniya.

"Wrong decision Mr. Fritson if you don't do what I tell you to do then I will find someone who will do it. Mark my word." Seryoso saad niya at biglaang umalis.

Mabilis naman pumunta sa direksyon ang dalawa kung kaibigan at nagtanong kung ano pinag-usapan namin ni Head Master.

I sigh.

I won't let them hurt Hellia.

Emperor's Obsession (Hiatus)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu