Huminga nang malalim si Sierra matapos sagutin ang tanong ni miss Bernadette sa kanya.

"I came to Friztgibbons Corporation to learn from the best and ascend well to a corporate ladder," Sierra added, then smiled sweetly.

"Wow, that's endearing, Miss Jimenez. Although, emotions are meant to be set aside here."

"Kahit naman po saan, ma'am. Trabaho ay trabaho at ang pinaka-mahalaga lamang po ay makinig muna. Assurance will follow to really ascend in this kind of field."

Kabilin-bilinan sa kanya ng nanay niya na huwag maging mahina lalo na sa kinaroroonang lugar. Sa Manila, sasalubungin ka ng magandang umaga araw-araw at nasasayo na kung paano gugulin at tatapusin nang maganda ding paraan.

"You started without me?" tanong na pumukaw sa kanilang dalawa ni miss Bernadette. Pareho silang napalingon dalawa sa nagsalita.

"Nope. I'd only asked some curious questions to her," Miss Bernadette explained. "Let me introduce him to you, Miss Jimenez, so that we can start now. This is Aidan Fritzgibbons, the owner and CEO of Fritzgibbons Corporation, and he is my boss."

Tila na-estatwa si Sierra pagkakita sa lalaking pumasok sa conference room na kinaroroonan nila. Sierra believed that she saw him before.

"Hi! I'm Sierra, but you can call me yours," she giggles as she offers her hands to the enigmatic and lonely guy beside her. Sierra tried to pull her seductive look to get the guy's attention. Lasing na siya at gano'n rin ang mga kaibigan niya na iniwan sa upuan nila. "Why are you so lonely here?"

Nakita ni Sierra na malamlam itong kumurap-kurap sa kanya. "I am meant to be alone always." The lone guy said to her. His soothing voice gives her unexplained chills down the spine.

"Ako rin..." Makahulugan niyang sambit dito. "Niloko lang niya ako. Pinaasa. Ninakawan ng pera!" Nasira ang pag-e-emote ni Sierra nang marinig na tumawa ang lalaki. Alam niyang dahil iyon sa rant niya na kasalanan rin naman niya. Nagpakatanga sa lalaking binabahay na pala ang best friend niya. "You look more handsome when smiling, mister. Keep it that way, hmm?"

"What are you doing later?"

Hinawi ni Sierra ang gulo-gulo niyang buhok na nakaharang sa mga mata. "Wala naman -"

"Come with me, then..."

"Miss Jimenez, are you okay? Miss?" Mga tanong na pumukaw sa kanya at nagpabalik sa kanya sa realidad. Galing iyon lahat kay miss Bernadette ngunit mas natuon ang tingin niya sa lalaking katabi nito.

It can't be happening.

Suddenly, Sierra's mind travelled down memory lane and saw the guy beside her in one bed! Ito ang dahilan ng munting pagbabago sa buhay niya anim na taon na ang nakakalipas. And she's bound to work with her child's birth father!

"Are you sure she's ready to work for me? I won't entertain someone stuck in a loony bin again, Badette." Narinig niyang sabi ni Mr. Fritzgibbons kay miss Bernadette. "So you see, miss, I am not fond of wasting my time on some staring game."

Doon siya tuluyan na natauhan. Kailangan niya ng trabaho. Kailangan ni Sierra ang sahod na malaki ng Fritzgibbons Corporation para mabuhay sila ng anak at nanay niya. Marahan siyang tumayo at naglahad ng kamay sa binata.

"I am Sierra Rose Jimenez, ready to work with you, Mr. FritzMrbons."

MAY BITBIT na dalawang klase ng balita si Sierra pag-uwi sa kanila. Isang maganda at hindi kagandahan na mga balita. Ang una ay may trabaho na siya, sa wakas! Ang pangalawa at higit na importante ay magta-trabaho siya sa ilalim ng lalaking naka-buntis sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Magiging masaya ba dahil sa wakas matapos ang ilang buwan, may trabaho na siya ulit. Maging malungkot dahil hindi pala ordinaryong lalaki lamang ang nakabuntis sa kanya.

"Mama!" sigaw na pumukaw sa kanya.

Hinayon niya ang tingin sa tumawag sa kanya pagkababa sa bus. A sweet smile etched on her face upon seeing her only son, waving his two hands up high to her. Lagi ginagawa iyon ni Zeke na bagay na nakaka-alis ng kanyang pagod at ngayo'y pangamba. Luminga-linga siya sa kaliwa't kanan bago tumawid at lapitan ang anak na agad namang yumakap sa kanya.

"How are you my little man?" tanong niya sa anak. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. Kung titingnan maigi, hawig na hawig ito ng ama nito na kanina lamang niya natitigan ng maayos. Sierra was in haze when they because she's intoxicated before. Zeke got her new boss' eyes, nose, thin lips and slightly curly hair. Nakuha nito ang chestnut brown hair color sa kanya.

"I am good. Ninang Dahlia fetched me at the daycare today and Ninang Tin fed me." Kwento ng anak niya sa kanya. Maasahan naman niya ang mga kaibigan kaya hindi talaga problema ito sa magiging schedule niya. "Did you get a job today, Mama?"

"Of course! Bilib ka na ba sa nanay mo?" Zeke giggled and hugged her tight. "How was Lola? Did she already take her medicine?"

"Yes, Mama."

Tumango-tango siya at inaya na ang anak na lumakad papasok sa bahay nila. Patuloy sa pag-kukwento si Zeke sa mga ginawa nito sa daycare mula nang ihatid niya kanina.

"Nariyan ka na pala, anak. Kumusta ang interview mo?" Nagmano at humalik siya sa pisngi ng ina bago sumagot.

"Maayos naman po at natanggap ako." May malamlam na ngiti ang gumuhit sa labi ng kanyang ina. "Mag-aayos po ako requirements bukas at pipirma na ng kontrata sa hapon. Ipapakisuyo ko na lang rin kayo kina Dahlia at Kirsten."

Malaki ang paghanga sa kanya nito dahil nakaya niya buhayin si Zeke na hindi humihingi ng tulong kanino 'man. Kahit sa lalaking nakabuntis sa kanya na may-ari pala ng isang malaking korporasyon. Silang mag-ina kasama ang mga kaibigan niya ang nagtulong-tulong na itaguyod si Zeke. Sierra worked day and night just to make money for their needs. Lahat ng klase ng trabaho ay nasubukan niya mula sa pagiging sales lady hanggang sa kamakailan lamang inalisan na trabaho bilang isang call center agent.

Maganda naman sa Zenith kaya lang simula nang tumanggap siya ng promosyon, kung ano-ano ng tsismis ang pinukol sa kanya. The stress of the false accusations burned her out. Hindi healthy para sa kanya at ayaw niya na lumaki ang isyu na maaaring lumamat sa kanyang pangalan.

"Alam ko naman na matatanggap ka agad, anak. Magaling ka at matalino na namana ng anak mo," anito sa kanya.

Sierra believes that her son's intelligence came from Zeke's father. Halata naman kung paano ito magsalita kanina habang kinakausap siya. Hindi niya lang sigurado kung nalampasan ba niya ang katalinuhan nito. Being sassy, Sierra aced the interview with the boss himself. Nasasabayan niya ang nakikita niyang bahagi ng topak ng lalaki.

Ibang-iba sa nakilala niya noon sa bar.

"Ngayong, may trabaho na ako, hindi ka na po liliban sa pag-inom ng gamot."

"Ang dami mo na sakripisyo."

"Huwag niyo po isipin iyon. Ibabalik ko po lahat ng sakripisyo niyo sa akin noon." Ginagap ng kanyang ina ang kanyang kamay saka hinalikan iyon. Sierra hug her mom. Ngayon na may trabaho na siya, masusuntentuhan na niya lahat.

And Sierra vowed to keep this job no matter what happens, even if working for her child's birth father is challenging.

By hook or by crook, Sierra Rose!

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookWhere stories live. Discover now