35

1.8K 34 0
                                    

Chapter Thirty-Five | Going After You

"Mama, you've been sweeping that side for almost thirty minutes now. Can you make me pancakes now?"

Nag-angat si Sierra nang tingin mula sa winawalis na mga dahon at hindi makapaniwalang tumingin kay Zeke. Kanina pa ito daldal nang daldal hindi kalayuan sa kanya at tila ba binabantayan siya. Just like how Aidan treated her before. At muli si Aidan na naman ang sumagi sa isipan niya na iniiwasan niya nga gawin.

"Didn't you just eaten a while ago, young man?" tanong niya sa anak. "And why are you acting like my supervisor there?"

Tumawa si Zeke at nadala siya ng paraan ng pagtawa nito. Binitiwan niya ang walis at aktong hahabulin ngunit mabilis nakatunog ang bata. Tumakbo ito at literal para silang mga bata na naghahabulan sa bakuran. Sinubukan niya sabayan ang bilis nito pero bandang huli ay sumuko rin siya.

"Are you going to cook for me now?" Kahit hinihingal ay nagawa pa rin nito magtanong sa kanya.

"Do I have other choices, Ezekiel Jimenez?" Umiling si Zeke saka lumapit sa kanya at nagpakalong. Hindi naman niya ito inatrasan kahit malaki na ang anak. "You're growing so fast, baby. Soon you will be taller than me. You will start liking someone and leave me alone."

"That will never happen, Mama."

"Why?"

"I'm going to make you proud first, build a house for you, and provide for you so you won't need to work long hours a day."

Napangiti si Sierra matapos marinig ang sinabi ng anak niya. Sa edad nitong pitong taon ang mga bagay na iyon na ang iniisip imbis na paglalaro.

"That's sweet, but remember it's not your obligation to return all the hardship I did to raise you, hmm. Enjoy your youth, study, and make friends with kids of your age."

"Okay, po."

Pinisil niya ang pisngi ng anak saka ilang beses iyon hinalikan. Tumigil lang siya nang may makita na sasakyang huminto sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin. Aunt Evelyn invited Sierra's mother to come over for a week long barrio fiesta. Wala naman trabaho si Sierra kaya pumayag siyang sumama sa kanyang nanay. Kaya lang kaakibat ng pagpayag niya ay mga batikos sa pagiging single mother niya.

"May bisita ba sila Auntie?"

"No, Mama, it's Papa's car. He's here! Yehey!" Nagpumilit na bumababa si Zeke mula sa pagkakakalong niya rito. "Papa!" sigaw pa ni Zeke nang salubungin nito si Aidan. Agad din umalis ang sasakyan na gamit nito na para bang ibinaba lang ito sa bahay ng tiyahin niya.

May mga bitbit ito na pagkain at ilang paper bag na hindi alam ni Sierra kung ano ang laman. Dahil may mangilan-ngilang tao sa labas ng bahay, naging tampulan tuloy sila ng tinginan at bulungan. That sudden appearance of Aidan gave Sierra a series of mixed emotions. Nasa mukha pa nito ang bakas ng pagsuntok niya na 'di niya sukat akalain na nagsusugat.

Gaano ba kanipis ang balat niya? tanong ni Sierra sa kanyang isipan.

"How are you?" Narinig niyang tanong ni Aidan kay Zeke.

"I'm good." Yumakap ulit si Zeke kay Aidan pagka-tugon sa tanong. "I missed you so much, Papa. I thought I will never see you again."

It's a heart warming scene but irate feelings still arousing from Sierra's heart and mind. Malabo pa niya malimutan kung paano siya nito ginamit at pinalabas na masama sa lahat. Tapos ang lakas pa ng loob na magpunta kung nasaan siya ngayon. Ngunit paano ba nito nalaman kung nasaan siya?

"How did you know that I am here?" Diretsahan niyang tanong. That interrupted the moment Aidan had with Zeke.

"Your friends." Simpleng tugon sa kanya ni Aidan.

As expected. Sabi na nga ba't hindi niya maasahan ang dalawang kaibigan. Palaisipan na lang ay kung sino sa kanila ang nagkaluno sa kanya.

"Why are you here?" Humalukipkip siya sa harap at dahan-dahan naman ito tumayo saka tumingin sa mga mata niya. Agad niya iyon iniwasan at masuyong hinila palapit sa kanya si Zeke.

"I'm here to talk with you,"

"Talk now, then,"

"Sierra..."

"You have five minutes."

"Thirty minutes." Umiling siya. Hindi naman niya boss ang lalaki kaya 'di siya nito puwede manduhan. "Fine. Five minutes but you to listen first before before talking."

Tinaasan niya ito ng isang kilay at hindi na nagsalita pa ulit. That look on her face wavered Aidan a bit which she didn't expected. Walang sinuman ang nakaka-intimidate kay Aidan Fritzgibbons miski na sino at alam niya iyon simula nang magtrabaho sa ilalim nito.

"Zeke, can you tell Lola that he's here? We'll talk privately."

"Okay, but is Papa will stay here with us?"

"No. We will just talk and after that, I will cook for you,"

"Okay po." Yumakap ulit si Zeke kay Aidan. "I hope you'll stay here with us, Papa. I missed you so much." Ayaw niya sana putulin ulit ang moment nilang mag-ama kaya lang kailangan na nila mag-usap dalawa para matapos na ang lahat.

"Zeke?" malumanay niyang tawag sa anak. Umalis si Zeke at patakbong pumasok sa bahay ng kanyang tiyahin. "Talk now or else I'll throw you out because I am on a vacation."

"This isn't a vacation, Sierra."

"That's counted, and your time is running, Aidan."

"Okay. I'm here to talk to you about the past few days. I know it's hard to understand, but I'll keep explaining." Huminga si Aidan nang malalim saka tumingin diretso sa mga mata niya. "I used you because I have no other choice. And you're the first person that's on my mind. You didn't leave my mind. For a person to do that, everything isn't just a one-time thing or a fling, Sierra."

"Ano connection niyan sa ginawa mong pag gamit sa akin para mahuli si Eric at mga kasabwat niya?"

Sinabi nito sa kanya na huwag magsalita at makinig lang pero hindi niya magawang pigilan ang kanyang sarili.

"It means ever since we met, you kept bothering me, stealing my peace of mind." Nagulat siya sa sinabi nito. "I'm sorry for using you in the circus I started. Even if I reason out, I know what I did was wrong, Sierra. I regret everything, and all I want is for you to come back to me. Let's start all over again."

Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat sabihin o isagot pero sabi nga nito ay makinig muna siya.

"You bring out the best in me even if I am a ruthless monster who repeatedly tried to dim your light. You never give up, even if I trip you on most of the time. And being with someone like you makes me the luckiest man on Earth. I'm also lucky that you're my son's mother, Sierra. This is me going after wherever you might go and live."

Marahas siyang huminga at seryosong tumitig sa mga mata nito.

"You know what's frustrating, Aidan?"

"What?"

"You. You're frustrating because you're saying sorry and confessing your love for me at the same time." Ito naman ang hindi nakapagsalita. Pero totoo naman na iyon ang ginawa nito kanina kaya hindi niya malaman paano ito sasagutin. "Anyway, your five minutes is up. Go now or if you want to stay for Zeke, let's practice social distancing, okay?"

Tumalikod siya dito bigla at aktong iiwan na ito sana ngunit ay pinigilan siya ni Aidan.

"Aren't you going to at least answer me back?"

"You have to point out what comes first—apologizing or confessing. You cannot combine it, Aidan. Masyadong magulo ang lahat."

"What?" Lumingon siya dito saka nagkibit balikat at tuloy-tuloy na lumakad papasok sa bahay ng tiyahin niya. "Sierra. Come back here, please?"

That's a first but it didn't stopped Sierra. Bahala siya sa buhay niya, sa isip-isip ni Sierra.

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookDove le storie prendono vita. Scoprilo ora