31

1.9K 29 0
                                    

Chapter Thirty-One | Viral Post

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ni Sierra nang si Eric ulit ang mapagbuksan niya ng pintuan isang umaga.

The guy has been bothering the peace of she obtained since her son's birthday. Nagka-usap na silang dalawa dahil pinagbigyan niya ito na ayusin nila ang gusot na meron sila. She believed him and entertained the guy well before. Pero ibang usapan na kapag gaya ngayon na narito na naman sa harapan ang binata.

"I brought some food and toys for your son," anito sa kanya saka nagpakawala ng malawak na ngiti sa labi.

"Aren't you supposed hanging out with Mildred? She's pregnant with your child, Eric." Malalim na bumuntong-hininga si Eric na bahagyang gumambala sa isipan ni Sierra. Mukhang may problema at ayoko madamay, sa isip-isip niya. "Forget that I asked, hmm? Puwede ka na umalis at may bisita pa ako."

"Is it Mr. Fritzgibbons? Our boss?"

Nag-iwas siya ng tingin dito. "It's none of your business, Eric."

"Sigurado ka ba talaga na hindi sa akin si Zeke?"

"Hindi nga. Bakit mo ba pinipilit iyan?" Nakakaramdam na siya ng iritasyon sa binata ngunit hindi alam kung paano ito paalisin na 'di nakakakuha sa atensyon ng iba. Marami pa naman tao na labas ng kanilang compound at dahil lagi nasa bahay nila si Aidan, tampulan siya ng usapan ngayon.

"You know the answer to that, Sierra."

"Oo may nangyari sa atin pero hindi ikaw ang una. I surrendered myself to someone to get over your cheating ruse with my best friend! My friends and I decided to get out a week after you cheated on me. Hindi ikaw ang tatay ng anak ko kaya huwag ka paulit-ulit na nagtatanong. I don't want you to be his father either so please stop coming here over and over again."

"So, it's planned then?"

"What?"

"You planned it to get out and swoon someone, giving yourself up for revenge?"

Malalim siya napahugot ng buntong-hininga. "Oo na. Tama ka na. Gano'n naman lagi 'di ba? Ikaw ang tama at nasa akin lagi ang mali. Nagsisi ako na kinausap kasi talaga."

Iyon lang at tinalikuran na niya ito saka pabagsak na isinara ang pintuan. Sumandal si Sierra sa likod noon at dahan-dahan na paupong dumausdos.

Eric really has a two-face. Hindi ito nagbago noon hanggang ngayon at sising-sisi si Sierra na kinausap pa niya ang lalaki nang ilang araw na rin. Sa kanya ito naglalabas ng sama ng loob na para bang isa silang tunay na magkaibigan dalawa. That's so fool of her. Inviting someone like him who threw her back then was the worst idea she decided to pursue.

Talagang nasa huli ang pagsisi.

Naantala ang kanyang pag-iyak nang may kumatok. Mabilis siya tumayo at pinahiran ang luha na naglandas sa kanyang mukha. Sigurado siya ni Zeke at Aidan na ang nakatok dahil nagsabi ang mga ito na darating ngayong araw. Lagi na magkasama ang dalawa simula nang magkakilala bilang mag-ama at masaya siya sa development nila.

"Hi!" Bati niya at agad naman pumasok sa loob ng bahay si Zeke excited na binuksan ang dalang paper bag. "Ang aga niyo. Sabi mo mamaya pa kayo,"

"He's excited to show you his new toys and clothes. Zeke chose those for himself." Tumingin si Sierra sa anak at kausap na nito ang nanay niya na nasisiguro niyang narinig ang diskusyon nila Eric kanina. Ngayon lang ito lumabas dahil noon pa 'man ay hindi na ito nangingialam sa mga desisyon niya. "Did you cried?"

Iniwas niya ang mukha kay Aidan na akto sana nitong hahawakan iyon.

"Napuwing lang. Naglilinis pa kasi ako ng bahay," palusot niya imbis na sabihin ang totoong nangyari.

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookWhere stories live. Discover now