19

2.3K 46 0
                                    

CHAPTER NINETEEN | I'M YOUR WEIRD

"Hindi mo 'man lang ba sasabihin sa akin kung bakit imbis na umuwi ay nagpahatid ka sa bahay ni Sierra?"

Huminto sa paglakad si Aidan pagkarinig sa tanong na iyon ni Dickie sa kanya. Papasok na dapat siya sa kanyang study room ngunit napatigil ng magtanong ito.

"Do you remember the woman I asked you to find six years ago?" Balik tanong niya kay Dickie. Alam niyang matalas ang memorya nito kaya may tiwala siyang maaalala ni Dickie ang lahat partikular na iyon. "I found her, Dick."

"At saan mo siya nahanap? Saka paano?"

Ngumiti si Aidan na alam niyang iba ang magiging dating para sa lalaking kasama na niya mula pagkabata. Aidan wanted to channel out his joy because he already found Sierra. He already unmasked the woman who's haunting in his dreams every night.

Napagtanto rin ni Aidan na lahat ng pantasya niya'y may pinaghuhugutan mula sa pasimpleng pagtingin sa kanyang assistant at palihim na pag-aalala dito. Sa kabila ng mga kabulastugan na nagawa niya upang pahirapan ito. Sa kabila ng pagiging madaldal nito at pagsagot sa kanya, lahat ay may balidong dahilan.

"I found her inside my company. And she's the woman whom I thought won't last weeks. But she made it and defeated me."

"Si Sierra?" Kunot ang noo ni Dickie kahit nahulaan na kung sino ang tinutukoy niya. "Paano nangyari gayong ang sabi mo malabo ang itsura nang babaeng iyon? Hindi ba't humingi ka pa ng kopya ng mga ID ng guest sa bar at wala ka nakilala?"

"I have another way, Dickie." Hindi pa rin ito kumbinsido dahil alam nito ang pinakatago-tago niyang sikreto. Aidan heaved a deep sigh before he speaks again. "I kissed her. We kissed each other last night and that's the reason why I asked you to drive me there."

Sa hinaba-haba ng ekplanasyon ni Aidan, nanlumo lang siya nang makita na hindi pala nakikinig sa kanya si Dickie.

"Did you hear me, Dickie?"

"Ah, oo, pero may problema tayo, Aidan." Pinakita nito sa kanya ang isang article na may picture nila ni Sierra sa naganap kahapon. May takip ang mukha ni Sierra pero iyong sa kanya, kitang-kita. And Aidan didn't like the article headline about him tagged as a harasser. "Tatawagan ko na si Martin ngayon din."

He needs a damage control man before the flame becomes a fire.

"How on Earth that -"

Alam ni Aidan na walang ibang tao sa pavilion niya kahapon bukod sa kanila ni Sierra. At kung titingnan ang anggulo ng pagkakakuha, galing iyon sa labas sa may salaming bintana na hindi tinted.

"Titingnan ko pa kaya huwag ka muna lumabas dito sa penthouse mo."

Hindi na siya kumibo at gano'n lang kabilis ang lahat ng pangyayari. Kanina natutuwa siya o mas tamang sabihin na masaya ang pakiramdam. Ngayon naman ay bumalong na ang galit sa kanyang puso at isipan. Malaman lang niya kung sino ang kumuha ng larawan nila ni Sierra, matitikman nito ang galit ng isang Aidan Fritzgibbons.

They wouldn't like it if he's gone mad.

Sierra came to work feeling unusual. Parang may kakaiba na hindi niya magawang lagyan ng pangalan. Marahil ay dala ng mga weirdo na kaganapan noong Sabado hanggang kahapon. Maaga siya pumasok gaya ng dati at hinanda na niya ang mga kailangan ni Mr. Fritzgibbons. Mula sa almusal nito hanggang sa pinaka-huling kailangan ng kanyang topakin na amo.

Ang shortlist nito na ginawa niya.

Kumuha siya ng bond paper sa storage room at nagsalang ng marami sa printer saka pinrint na ang shortlist ni Mr. Fritzgibbons. Pagkatapos niya mag-print, binitbit niya iyon saka lumabas para abangan ang kanyang amo. Sierra was busy fixing her clothes when the elevator suddenly opened but instead of her boss, she welcomed a group of men carrying tools boxes.

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookWhere stories live. Discover now