14

2.4K 46 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN | MATERNAL CAPACITY

"CAN I TRUST YOU, MS. JIMENEZ? Considering that I tested and kept testing you, which I know may haunt your dream and ruin your good night's sleep."

Buti naman naisipan idugtong iyon Mr. Fritzgibbons. Ang akala ni Sierra ay hindi ito aamin paulit-ulit siya nito pinagti-trip-an kahit hindi diretsahan ang pag-amin. To him it was a test, but for Sierra, it's like he's playing a game and she's his prey.

Prey vs. predator game.

"Can I ask you the same thing, sir? I know you are suspected of insubordination, and right now, I feel that you're thinking I'm spying on you."

Sierra was kind of wise prey. Hindi niya hahayaan na kainin siya basta ng gaya ni Mr. Fritzgibbons na walang kalaban-laban.

"You're a mind reader, aren't you?" Umiling si Sierra saka ngumiti. Sandali nawala ang agam-agam niya tungkol sa biglang inungkat ni Sir Martin. Hindi pa siya nakaka-move on doon at malabo ngunit kaya na niya hindi muna isipin. "Anyway, let's stop talking about personal because we have a lot of work to do. Starting today, every projects we have are top secret until I announce it myself to the press, do you understand?"

"Yes, sir," aniya saka nagpatuloy na sa pagta-trabaho.

Lumipat lang siya dahil kailangan ni Mr. Fritzgibbons ang sarili nitong opisina. Iyong living room area ang naging puwesto niya hanggang sa sumapit ang oras ng kanyang pag-uwi. Sa sobrang dami niya ginawa halos hindi na niya namalayan ang oras. Hindi nga matandaan ni Sierra kung kumain ba sila dahil pagkatapos nila mag-usap mag-amo, nagkulong na ito sa loob ng pribadong opisina.

Dickie drove her home as part of the old man's routine. Hindi naman nito kailangan ihatid na ang amo dahil wala raw balak umuwi sa penthouse nito ang binata. Sierra mind her own business and go home. Nang huminto ang sasakyan at makababa siya, agad na sumalubong sa kanya si Zeke at niyakap siya nang mahigpit.

"How are you, young man?" tanong niya sa anak saka sinuklay sa buhok nito ang kanyang kamay nang marahan.

"I'm good but the day care teacher wants to see you tomorrow." Nakita ni Sierra na lumungkot ang mukha ng kanyang anak. "I'm sorry, Mama."

"What's wrong?" tanong niya ngunit hindi na ito sumagot. That bothers Sierra and add to her above the head problem. Kahit anong pilit niya'y hindi na nagsalita pa si Zeke. Inaya na lang niya ito pumasok sa loob para makapagpahinga na. She tucked her son in bed and kissed him good night. Paglabas niya naabutan niya ang ina na inaayos ang mga gamit ni Zeke. "Ano po nangyari sa mga gamit ni Zeke?"

Huminga nang malalim ang kanyang ina bago nagsalita. "Hindi siya nagsabi kahit kay Dahlia at Kirsten. Panay lang paghingi ng sorry tapos tahimik na,"

Kahit hindi tanungin ni Sierra alam na alam niya kung ano pinagdadaan ng kanyang anak. She once experienced being bullied at school. Hindi pa nga eskwelahan ang pinapasukan ng anak niya. Isang day care lang iyon na dati niya pinagta-trabaho-an ngunit umalis din nang makahanap ng mas kumpanya na mataas ang sahod. Kirsten and Dahlia were still there, but she couldn't put all the blame to them. Abala din ang mga ito sa ibang bata kaya malabong makita kung may kumakanti nga sa kanyang anak.

"Susubukan ko magpaalam para maka-usap ko ang may-ari ng day care center bukas."

"Mabuti pa nga para malaman din natin. Hindi naman natin puwede isisi kina Kirsten at Dahlia dahil may ibang inaasikaso ang dalawang iyon." Tumango-tango siya sa sinabi ng kanyang ina. Naiintindihan naman ni Sierra ang lahat at tingin niya, ayaw ni Zeke na maabala siya pero sinubukan pa rin nito na kausapin siya. "Anak, ilang taon na rin ang lumipas, hindi ka pa ba handa sabihin kung sino ang tatay ni Zeke?"

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookWhere stories live. Discover now