5

2.8K 60 0
                                    

CHAPTER FIVE | KILL HIM WITH KINDNESS

MARIIN ang naging hawak ni Sierra sa telepono nang basta na lamang siya babaan ng devil boss niya matapos utusan. Wala 'man lang siya pasasalamat na natanggap mula dito simula pa kahapon. Ano ba ang mahirap sa pagsasabi ng salamat? Hindi na nagtataka pa si Sierra kung bakit walang tumagal na assistant dito. Ugali pa lang ni Aidan Fritzgibbons, papasa ng kapalit ni Satanas sa impyerno.

Pangalawang araw pa lang niya at talagang sinusubok siya ng laksa-laksang kasamaan na nakapalibot sa kanya. Hindi pa nga umiinit ang puwet niya sa upuan ay may panibago na naman itong pinagagawa sa kanya. Akala siguro ay masisindak siya ng pagiging indecisive nito. Nagdagdag lang ng puntos ito dahil sa binigay na sapatos sa kanya pero pulos kasamaan na ang sumunod niyang natanggap.

Kill him with kindness, Sierra. Kill the devil with it!, paalala niya sa sariling isipan.

Malalim na huminga si Sierra saka ginawa na ang inuutos sa kanya ng topakin na amo. She emailed all the board members for the sudden changed of the meeting time. Siyempre inasahan na ni Sierra ang backlash dahil karamihan ay papasok pa lang sa trabaho. Sila ng amo niya ang laging maaga sa opisina na napapansin niyang odd.

O mas tamang sabihin na nasanay siya na tanghali na pumasok ang dating niyang amo sa Zenith?

Walang kaso kay Sierra ang maagang pumasok araw-araw at iyon naman talaga ang dapat mangyari dahil siya ang assistant. Sierra have to be in the office one or two hours earlier than her boss. Marami siyang ginagawa umaga pa lang mula sa paghahanda ng almusal at kape ng demonyo niyang amo hanggang sa pag sunod dito kahit saan ito magpunta. Hindi na nga mabilang ni Sierra kung ilang oras siya natutulog. Hindi na rin naman mahalaga sa kanya iyon dahil kailangan niya pera pang suporta sa anak at pang gamot ng ina.

"Ms. Jimenez, what's with sudden changed of time?" tanong na pumigil sa kanya paglalakad. Papunta na siya sa dapat sa board room para ihanda ang lahat matapos i-send ang mga kailangan i-discuss kay Mr. Fritzgibbons. Ngunit wala 'man lang nagreply sa kanya na susunod sila. Pulos reklamo kesyo masyado daw maaga at nasa biyahe pa ang iba.

"It's the boss' decision, not mine." Malalim siyang huminga. It was Mr. Crisostomo's assistant. Isa sa mga miyembro ng board na kasama sa red list na binabantayan ng boss ni Sierra. "Look, we all need our job and if we want to keep it, all we have to do is to follow and babysit the devil."

Dire-diretso na siyang lumakad uli at pumasok sa board room. Inayos niya ang buong kuwarto mula sa lamesa hanggang sa ventilation. Mas maganda ang outcome ng meeting kapag gano'n rin ang ambiance ng board room. Being a daughter of a former house keeper, she learned a lot about keeping a place nice and have good ambiance.

Sunod niyang ginawa ay ang pag gawa ng Zoom link para sa mga hindi makaka-abot personally. Iyon na lang ang pag-asa para matuloy ang meeting at hindi na lumala ang init ng ulo ng demonyo nilang amo.

Pagkatapos ng lahat, inayos niya ang sarili, naglagay ng pulang lipstick bago lumabas ng board room bitbit ang notebook saka tumungo sa opisina ni Mr. Fritzgibbons. Nakita niya na iritado ang mukha ng ilang pumasok sa board room paglabas niya pero wala roon ang isip niya. Hindi naman ang mga ito ang boss niya at kailangan lang din sumunod ng mga ito. In short, pare-pareho silang walang ibang choice.

Kumatok siya bago pumasok sa opisina ng boss niya.

"The board room is ready, sir. Some of the board won't come on time -"

"Do I need to repeat myself to you, Ms Jimenez?" Mr Fritzgibbons' question cut her off.

Nagagalit agad, hindi pa nga ako tapos! singhal niya sa isipan.

Sierra heaved a deep sigh before speaking again. Kinailangan niya paalalahanan ang sarili tungkol sa kanyang motto sa buhay. Kill him with kindness.

"No, sir, so I come up with a plan. This may not be your style, but this is the only way we can gather all the board members on time." Nakita ni Sierra na umangat ang isa nitong kilay. Mukhang nakikinig naman ito kaya napagpatuloy siya sa pagsasalita. "I hosted a Zoom meeting and sent the link to those coming here. They can use it to attend the board meeting. We will make those members open their data connections."

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon