28

2.1K 45 1
                                    

Chapter Twenty-Eight | The Happiest Day

"What is Zeke's favorite? Food, toys, music, if there are any, and drinks."

Napatingin si Sierra kay Aidan habang naglalakad sila papunta sa train station. Tatlong train ang sasakyan nila para makapunta sa Disneyland at tingin naman ni Sierra ay hindi maiinip ang anak niya.

Naaliw kasi ito sa mga tanawin na nakikita pati na sa mga tao na naglalakad. Last night was fine after dinner, Aidan left them to attend some business related engagements. Ngayon ang unang araw na makakagala sila sa Hong Kong na walang iniisip na trabaho. 

"He loves orange beef the most. There's no particular preference when it comes to toys. Kung ano ang magustuhan niya ngayon, bukas hindi na niya lalaruin. Kaya hindi ko siya masyadong binibili ng mga laruan. Most of the times, Zeke prefer reading science related books and watching science experiment videos. Recently, I made a slime with him, ruining my kitchen things."

"He wanted to be a scientist?"

"Sometimes."

"It looks like he has a lot of professions to try later on. He's into cars, racing, and bikes too."

"Oh no..." sambit niya bigla. "Don't tell me binili mo siya ng bike?" Dahan-dahan na tumango si Aidan bilang tugon sa tanong niya.

"Why? What's wrong with that?"

"He doesn't know how to ride a bike yet asked you to buy one."

"That's not a problem because I can teach him." Hindi siya makapaniwala na napatingin dito. Kaya niya hindi binibili ng bike si Zeke kasi walang magtuturo dito. Wala rin siya alam sa pagbibisekleta na isa pang dahilan. "You're in charge of my schedule. Please squeeze there a bonding time with our son. Two hours a day will be enough, I think. I'll cook dinner for him and tucked him in bed every night."

Abalang tao si Aidan at alam ni Sierra iyon. Hindi niya maiwasang ma-touch dahil gumagawa ito ng paraan. Pero para maging posible ang lahat kailangan pa rin ang tulong niya.

"I will try what can I do on that but for now, hold him for me." Kumunot ang noo nito pagka-abot niya sa kamay ng anak nila bago siya lumayo sa dalawa. Kanina pa kasi sila tinitingnan ng mga tao kaya lumayo na siya para maiwasan ang mga iyon.

Kapag may kinalaman lang kay Zeke nagagawa niya utusan si Aidan. Kaya naman sasamantalahin na niya ang pagkakataon. Bukas balik trabaho silang dalawa kahit nasa Hong Kong pa ang lokasyon nila ngayon. Maraming tao ngayon dahil Linggo at karamihan ng mga OFW ay naka-day off din.

"What about music? What does he like?"

"Ask him," Sierra said. "Zeke, tell your Papa what music genre you are listening to."

"Hmm, I love listening and dancing to BTS songs, Papa." Gusto matawa ni Sierra nang makita ang pagkunot ng noo ni Aidan nang marinig ang sinabi ni Zeke. "They're global sensation, Papa and been all over the world too."

"You haven't met them? You're all over the world, too, right?" Hindi ito sumagot kaya lalo siyang natawa. "He'll show you who they are soon, Aidan. Please be prepared for that day because he's a total fanboy."

"Are they humans?" tanong ni Aidan.

"Yes!" Sabay nilang tugon mag-ina.

"Okay. I think I have to get to know them well."

Nahawa na siya sa anak niya sa pagsunod sa mga hinahangaan nito kaya mukhang kailangan maghanda talaga ni Aidan.

***

Zeke did enjoy running, riding each rides he can ride and eat whatever Aidan bought for him. Masyadong magastos pero naiintindihan naman niya si Aidan dahil matagal ito nawalay sa kanila. Hindi rin naman alam nito exissiting  si Zeke hanggang sa mangyari na natanggap siya sa kumpanya na pagmamay-ari nito.

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon