16

2.2K 42 3
                                    

CHAPTER SIXTEEN | GOOD ACTRESS

"WHAT? Why are you looking at me like that?" tanong na natanggap ni Sierra sa kanyang amo.

Kasalukuyan silang palabas na dapat ng opisina nito ngunit may napansin siya na mali sa binata. Nakuha na yata niya pati ang pagkakaroon ng OCD nito dahil may makita lamang ay hindi na siya mapakali.

"There's something o-on your -" Hindi magawang ituloy ang dapat na sasabihin kaya naman basta na lang niya tinuro ang kuwelyo nitong hindi naka-ayos. Mr. Fritzgibbons couldn't get it until she initiated the act. Sierra extended her arms on his nape and fixed her boss's collar and necktie. "That's better and if you'll smile a bit, it will be the best."

Minuwestra pa niya dito kung paano ngumiti ngunit sinimangutan lang siya ng kanyang amo.

Minsan lang mag-request, tinanggihan pa, aniya sa isipan.

"What will be my next schedule after this show of yours?" tanong ni Mr. Fritzgibbons kay Sierra.

"This isn't a show, sir. You have to take this seriously, and with all due respect, you're not a good actor."

"So, you are a good actress?"

"Maybe?" Huminga nang malalim si Sierra saka tumayo katabi ng amo niya. "You have to earn their trust and alliance, Mr. Fritzgibbons. Do you want to know what I heard in the bathroom earlier?"

"This is the longest elevator ride I ever have, Miss Jimenez."

"Just smile a bit," utos niya dito. "You have no choice and no more turning back."

"Just like the activity you pushed in our team building? What will I get in return, Miss Jimenez?" Sunod-sunod nitong tanong sa kanya. Naisip niyang ilagay ang amo sa lahat ng activity para malaman ng mga empleyado na kauri nila ang kanilang boss. "Nevermind my last question but I always get what I wanted in return."

"You'll get their trust and loyalty, sir. Gaining that is like acing an important test."

"Okay. I think listening to you won't hurt me that much."

"Just this one, sir."

"And you owe me one, Miss Jimenez."

Bumukas ang elevator at nauna itong lumabas doon. Naiwan siyang tulala at iniisip ng paulit-ulit ang huling sinabi nito sa kanya. Siya pa ngayon ang nagkautang sa lalaki. Kahit ginagawa lang naman niya ang lahat para pabanguhin ang pangalan nito sa loob at labas ng kumpanya. Hindi talaga niya maintindihan ang lalaki madalas tapos ang mga ito pa ang malakas magsabi na komplikado silang lahat.

Dali-dali siyang sumunod sa amo dahil hawak niya ang regalo nito dapat sa empleyado na may birthday ngayon. Hindi nila sinabi sa lahat na magsisimula silang gawin na ang project compassion na inangkin ng nanay ni Mr. Fritzgibbons noong una. Nabawi naman ng kanyang amo pero ganito na lang gagawin nila. Lahat ay palihim at sikreto sa kahit na sino. Kahit pa sa mga kaibigan at nanay ni Sierra ay naging lingid din iyon.

"Don't forget to smile, Mr. Fritzgibbons!" Paalala pa niya bago ito hinayaan na lumapit sa may birthday. Pinaalala niya rin ito kung sino ang may birthday at ilang importante na detalyeng nakalap niya. Dagdag puntos din iyon para magmukhang sincere ang palabas na tawag nito sa kanilang ginagawa ngayon.

Sana hindi niya makalimutan, aniya sa isipan habang pinapanood ito na gawin ang kanilang napag-usapan.

KUMAKAIN si Sierra mag-isa habang nagbabasa ng mga email sa work tablet niya nang may umupo sa kanyang harapan. Hindi niya dapat papansin ngunit biglang umurong ang gana niya nang makilala kung sino iyon. Masarap pa naman ang in-order niyang pagkain sa cafeteria. Ngayon lang siya kumain sa lugar na iyon dahil wala ang kanyang amo. May pribado itong lakad at hindi siya kasama roon. But Sir Martin gives Sierra a hint where her boss was.

Owning The Elusive Billionaire's Heart | Published on E-BookWhere stories live. Discover now