"Una na ako!"inilampasan ko na siya pero napatigil ako sa ginawa niyang paghatak sa mga dala ko.

"Ako na magdadala ng mga bag sa freshman building."ngumiti lang siya at kinuha ang mga bag ng mga kasama ni Bea.

Ang tangi ko na lang dadalhin sa room ay ang bag ni Bea. Nang uwian na ay hindi 'man lang niya ako pinansin at nagawang tignan.

Talagang galit na galit siya sa akin.

-

Ngayon ay abala ako paglalagay ng cupcakes sa mga kahon rito na in-order ni Bea na cupcake sa akin. Ilan boxes rin ito at naalala ko pa ang sinabi niya sa akin sa tawag, na dalhin ko raw ito sa harap ng school bukas. At ang plano ko ay kukunin ko na lang ito kinabukasan rito sa shop.

"Uuwi na nga pala ako Josh baka maabutan pa ako ng Papa mo."pagpapaalam ko sa kaniya.

Huling cupcake na lang kase iyon at ibinalik ko sa refrigerator ang mga kahon na may laman na cupcakes. Tumaas lang ang kamay ito at hindi na lumingon pa sa akin. Muli akong nagpaalam bago tuluyan umalis.

Sekreto pa rin akong pumapasok sa cafe nila Josh at siya ang nagpumilit sa akin dahil hindi raw niya kaya ang mag-isa. Pumayag ako kaso ang ikinababahala ko ay ang muli siyang pagalitan ng kaniyang ama sa gusto niya.

Pero para sa mga gamot ni Lola at pag-aaral ko ang sasahurin ko rito. Napaisip tuloy ako na paano nalaman ni Bea na nagtratrabaho na muli ako sa cafe. Marahil ay na banggit rin ito ni Josh sa kaniya. Dahil siguro ay hindi niya ako tatawagan at o-order sa akin ng cupcake kung hindi na ako roon nagtratrabaho.

Kinabukasan ay umaga pa lang ay kinuha ko na ang mga cupcake at dinala sa pinag-usapan namin ni Bea, sa likod ng school sa may parking lot. Pagkarating ko roon ay nakangiting Bea ang sumalubong sa akin. Patakbo itong lumapit sa akin at nang nasa harapan ko na siya ay bigla niyang inilahad ang dalawang kamay.

"Tulungan na kita."patuloy pa rin itong nakangiti at ibinigay ko naman ang kalahati rito.

Akala ko ay kukunin niya talaga ang mga dala ko ngunit salungat ito sa ginawa niya. Iniwas niya ang kaniyang mga braso sa gilid at nasa lapag na ang mga cupcake, kayat-kayat na rin ang mga icing nito sa mga kahon niya yung iba ay nawala pa sa kahon.

"Bea!"gulat na sabi ko at balak pa sana saluhin ang mga kahon ngunit huli na ang lahat.

"Opss.. sorry, ang lamapa mo naman kase Tria."malungkot niyang sabi ngunit may ngiti ito sa labi.

Ano ba na naman ito?

Ganiyan ba talaga siya kagalit sa akin.

Naramdaman ko ang pag-init ng akin mga mata. Pasimple akong napakagat ng labi na pinipigilan ng pagtulo ng akin mga luha. Babayaran ba niya ito o ako... Kulang pa ito sa sahod ko.

"Don't worry, alam ko naman ang inaalala mo. Babayaran kita,"pagngiti nito sa akin. Tumaas-baba ang kaniyang kilay habang pinaglalaruan ako sa mga mata niya.

"Salam-"

"Sa isang kundisyon, pulutin mo ang mga 'yan at kainin mo 'yung mga cupcake."tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

Nanlamig ako sa kaniyang narinig, napaisip kong gagawin ko ito o ako ang magbabayad na lang kaso tulad ng sabi ko ay kulang sa sahod na natatanggap ko pa ang binili nito.

"Ano na?"pagngisi niya.

Dahan-dahan akong lumuhod at umupo sa lapag sa gilid ng mga natapon na cupcakes. Naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Kagat labi ako ng buksan ang kahon, kinuha ang isang piraso ng cupcake. Sa pagkagat ko nito ay may halong alat ang nalasahan ko. Marahan kong pinunsan ang luha na naligaw mula sa pisngi ko.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon