CHAPTER 20

112 20 0
                                    

"Hinahanap ko kase yung isang kapatid ko."

"Tutulungan kitang hanapin siya."

Nakatitig na ako ngayon sa kisami. Napaupo na lang ako at napahilamos ng mukha. Napabuga na lang ako ng hangin, pano ko kaya matutulungan si Lincoln. Hindi ko kase naitanong kung anong dahilan ng pagkawala ng kapatid niya at ang tanging sinabi lang nito.

"Iniwan siya ni Mama sa matalik niyang kaibigan at iyon na hindi na sila muling nagkita."

Pilit ko sana itong tanungin ngunit hindi niya raw pwede sabihin ang dahilan na ito. Kaya naman nanahimik lang ako hanggang maka-uwi.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang nagba-vibrate ito. Hindi ko pinansin ng umulit ito uli ngunit haloa napa atras ako ng di tumigil ito. Tumayo ako para kuhanin ito.

Binuksan at bumungad sa lock screen nito ang mga notification mula sa wattpad. Halos sunod-sunod nag-pop ito, yung iba ay bagong followers ngunit ang ikinagulat ko ang mga comments nila sa kwento ko, este nila Bea.

Di ko naman maitigil at matago ang malaking ngiti, habang binabasa ang kumento nila sa kwento na isinulat ko. Napapatakip na lang ako ng mukha dahil alam kong abot tainga ang ngiti ko.

'Ate ang ganda po ng story ninyo, sana po araw-araw may UD. But i willing to wait po, I'm your new supporter po!!!'

'Baka naman ate Update po sa chapter 9'

'Omg author kailan po malalaman ni Dexter na maganda at mayaman si Bea baka lang po.'

'Ay bet ko po story ninyo.'

'I hope po u can update as more hehehe.'

'Ate lahat po ng story ninyo binabasa ko, pero totoo po talaga ito?'

'Weehh may totoong Dex at Bea in real life?'

'Sana all po si Bea."

At syempre hindi mawawala sa isang katulad na manunulat ang walang kumokontra tungkol sa istorya. Ang dami rin nila ngunit hindi ko na lang pinansin. Ngunit karamihan ay sinasabi na hindi totoo sina Bea at Dexter. Kung ipamukha ko kaya ang mga mukha nito, kaso hindi pa alam ni Gordon ito.

Naisipan ko na rin isulat ang Chapter 9 dahil wala naman pasok bukas.

Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ingay ng akin cellphone. Papikit-pikit pa ang mata ko ng kinapa ko ito sa gilid ng kama ko. Nang makapa ko ito at kinuha ay umupo ako bago kusitin ang mga mata. Binuksan ko ito at wala na pala ang tumatawag sa akin.

Ibababa ko na sana ito na muling umiyak ito. Dali akong lumingon rito at ang pangalan ni Bea ang bumungad sa akin. Walang gana ko itong sinagot.

"Bakit ka napatawag?"nanlaki ang mga mata ko at dali kong inilayo ang cellphone mula sa akin tainga.

Napangiwi pa mula sa ingay na nanggagaling sa kabilang linya. Iba't ibang boses ang naririnig ko.

"Tria!, naririnig mo ako?"halong-halong boses ang mga ito ngunit nangingibabaw ang boses ni Bea.

"Oum."tumayo na ako at nagpunta sa banyo.

Muling naabala ito sa mga ingay na andoon. Ako naman ay abala sa paglalagay ng toothpaste sa toothbrush, inilapag na lang sa tab ang cellphone at ini-loud speaker ito.

Sinumulan ko ng magmumog at linisin ang akin ngipin. "Sorry Tria hindi ako makakasama sa inyo ni Lola pa-check up, sige bawi na lang ako sa Lunes. Bye!"sigaw nito at pinutol na ang tawag nito.

Ipinagpatuloy ko namana ng akin pagsisipilyo. Matapos ay naghilamos na ako at nagbihis pang-alis.

Pinapabalik kase kami ng doctor para raw makita niya kung may pagbabago. Lumabas na ako ng kuwarto para si Lola naman ang bihisan. Ngunit napatigil ako na makita ang isang pamilyar na nasa kusina.

Bully That NerdWhere stories live. Discover now