CHAPTER 23

114 19 0
                                    

"Paano kung sabihin niya?"

Nag-aalalang tanong ni Bea. Mabilis akong umiling at tumahimik na lang. Sinabi ko kase na may alam na ako yung author ng libro nila ngunit 'di ko sinabi kung sino 'yon.

Inaalala yung pinag-usapan namin ni Lincoln kahapon ng ihatid niya kami.

"Pwede bang huwag mong sabihin muna,"nakayukong ani ko.

Nasa harapan na kami ng bahay at unang inahatid niya si Bea.

"Natatakot ako na baka magalit ito sa amin ni Bea tulad kanina-yung ginawa niya."dugtong ko.

Tumingala ako ng 'di ito nagsalita.

Napasuklay ito ng buhok at binasa ang labi niya. "Alam ba 'to ni Bea?"mabagal akong tumango.

Muli itong napa suklay at napa mewang na sa harap ko. Isang tipid na ngiti at pansin ko ang pagpula ng kaniyang mata.

"H-hindi,"isang mabigat na paghinga ang inilabas nito, "Hindi ko sasabihin... pangako."mahina nitong sabi, ngunit pansin ko ang malungkot nitong mata.

Nakakailang ngumiti pero masaya talaga ako dahil sa sinabi niya. "Salamat."pagngiti at kumaway bago ito umalis.

Hinihiling ko na lang na sana ay 'di nito sabihin iyon, kinausap ko na siya at nangako na itatago na muna niya, ang ikinatatakot ko lang ay baka magbago ang isip niya at masabi ito kay Gordon.

Lalo't parang gusto niya rin si Bea...

"Paano ka nakaka sigurado?"napahinto ako sa paglalakad.

Hindi ko alam...

Paano nga kase kung sabihin niya?

Sana hindi.

"Basta, nangako siya."iyon ang pang hahawakan ko.

Mabagal na tumaas-baba ang ulo nito at naglakad na kami muli. Sa pagpasok ng classroom ay parang wala naman nanyari rito kahapon. Wari ay walang gulo rito, wala silang pakielam na lumingon sa amin.

Yung nanyari kahapon 'di na sana maulit pa ngayon at may gulo na naman mangyari.

Sa pag-upo namin ay halos mapatalon ako sa gulat na makita si Class President na nasa tabi ko na. Naka nguso ito habang mapupungay na mga matang tumingin sa akin. Lumingon ako kay Bea kung napansin niya ngunit abala ito sa pagbabasa sa bagong libro.

"Sorry talaga..."paumanhin niya.

"Wala nga 'yon, wala kang kasalanan dahil 'di mo naman alam na 'di ako hiyang sa mani."pag ngiti ko at gulat ko nang hawakan niya yung kamay ko.

"Sorry talaga-huwag kang mag-alala gagawin ko lahat ng gusto mo."nais pa nitong lumuhod ngunit mabilis kong pinigilan ito.

Nakakahiya...

Nakuha na rin kase niya yung atensyon ng mga andito. "Huwag na, ayos lang."sabi ko.

Bubuka pa lang muli ang bibig niya ng makita kong pumasok na sa pinto ang math professor namin.

"Andiyan na si Ma'am."mahina kong sabi rito na siya lang ang nakarinig.

Tumayo na ito sa pagkaka-upo, "Sorry talaga."pag nguso niya.

At bumalik na sa upuan niya habang nasa akin pa rin ang mga mata. Itinaas ko ang hinlalaki at ngumiti, napawi ang pag nguso niya bago humarap sa harapan.

"Okay class, we have a quiz today."

-

"Ang dali ng Quiz natin 'noh"

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon