CHAPTER 7

232 58 1
                                    

Nakatitig lang ako rito sa nakalagay na title sa bago kong istorya 'Bully That Girl' di ko alam kung tama bang isulat ito pero mukhang magiging masaya naman ata si Bea, sana nga.

Dahil may nanyari kanina.

"Yung gift ko?"ngiti nito sa akin.

Napakuyom ako ng kamao. Ayos lang ba kung ito ang iregalo ko sa kaniya. Nagdadalawang isip akong ibigay rito.

"A… ayo-"muli niya akong hinagkan at dahil rito ay napatikom ang bibig ko.

"It's okay, if you don't have a gift for me. Binati mo naman ako sa kaarawan ko… pero sa susunod di na ako papayag."malambing nitong saad. Napapikit ako sa ginawad niyang paghalik sa noo ko.

Marahan ko itong tinulak. Mali ito, alam kong gusto siya ni Bea e. Bumuga ako ng hangin bago inilahad sa kaniya ang munting regalo ko. Sana ito na ang huling mag-usap kami, di naman kase maiiwasan ang magkita rito lalo't na iisa kami ng pinapasukan.

"Thank you."gulat pa rin ang mukha niya pero napalitan ito ng ngiti.

Kinuha niya ito at sinuri. Tumalikod na ako sa kaniya. Sana naman ay di na niya ako kausapin ng ganon. Napatigil ako kaunti sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala na ito at lumabas na sa kabilang pinto.

"Hindi mo isusuot sa akin ito?"bakit pa kaya naman niya.

Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pinto. Napahawak sa dibdib ko na parang gusto nang lumabas at lumabas. Parang sisirain niya ang dibdib ko. Unti-unti kong ikinalma ang sarili. Naging normal na ang pagtibok ng puso ko ay umalis ako sa pagkakasandal sa pinto.

Naglakad pabalik sa room pero napatigil ako. Nanlaki ang mga mata na makita si Bea na tumutulo ang luha habang nakatuon ang mga mata kay Press. Miski ako ay napatulala na lang roon bigla akong nakaramdam nang paninikip sa dibdib. Astoria Selene wala kang nararamdaman roon. Hindi.

Tumalikod na roon si Bea at napatigil na makita ako. Ngumiti ito ng mapait at nilampasan lang ako. Balak ko sana siyang tawagin pa pero tumunog na ang bell rito.

Walang ekspresyon na tingin ang iginawad sa akin ni Press. habang dumadaan ako sa harap niya. Ganon rin ako. Sinaktan niya yung kaibigan ko pero di anman niya alam na gusto siya ni Bea e.

Kaya dapat di na ulit pwede mangyari iyon, nanyari kanina.

Okay lang ba siya. Nalaman ko na lang na umuwi na siya noon e. Binaba ko na ang cellphone sa tble malapit sa kama ko bago humiga rito. Kaagad ipinikit ang mga mata.

Dapat di mo magustuhan siya. Talaga naman di ko magugustuhan siya. Pipigilan ko ang sarili ko kung manyari iyon. Marami rin akong mangarap para sa sarili. Kaya bawal iyon.

Tutulungan ko na lang siya. Ipapaalam ko sakaniya yung gagawin kong istorya. Sana sa paraan na iyon ay mawala ang nararamdaman kong kaba kapag kasama siya o ano man iyon.

"Lola kainin ninyo na po ito, di po ako makakapasok sa school."pagkausap ko kay lola na nakatikom pa rin ang bibig. Nakalahad na kase ang kutsara na may kanin at ulam sa harap niya.

"Hmm."umiling siya. Napaupo na lang ako sa harap niya.

"Lola may pasok pa po ako e. Kain na po."pakiusap ko.

Dahan-dahan naman niyang binuksan ang bibig at isinubo ang kutsara.

"Ang galing."ngiti ko rito.

Nang matapos na siya kumain ay inahanda ko na ang gamit ko. Narinig ko ang munting hagikhik nito sa loob ng kuwarto niya. Sorry lola iiwan kita na naman ulit. Kahit ayaw ko kailangan ko kaseng pumasok. Dati ko pa ito ginagawa pero di talaga ako masanay.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon