CHAPTER 21

156 19 0
                                        

"She is my girlfriend…"

Hindi mawala sa akin isipan yung nanyari kanina. Hindi ko nga rin alam kung papaano nakaalis sa cafeteria na iyon. Basta nasa tapat na ako ng labas ng classroom na kasama si Lincoln hawak-hawak ang akin pulsuhan. Siguro ay nagulat lang ang sa mga nanyari, di ko tuloy na malayan na umalis na pala sina Bea.

Napalingon ako rito sa pag-imik niya at binitawan na rin ang pagkakahawak sa akin.

"Pumasok ka na, huwag ka ng tumulala diyan."pagngiti nito.

Nakatitig lang kase ako sa lapag nitong hallway at kami na lang ang andito. At kanina pa ata akong ganito. Naalala ko yung nanyari kanina kina Bea.

"Si Bea!"pagpipigil ko mapatili ngunit na bigo ako.

Nakangiti ito ngunit pansin kong bigla pagpawi nito sa pag ngiti ko ng malaki rito. Tinitigan ko lang siya sa mga mata. Palihim naman akong napakunot ng noo ngunit ipinagwalang bahala ko ito ng muli siyang umimik.

"Kasama ni Dex."matipid na sagot nito at nagbuga ng hangin, wala na ang ngiti niya sa mga labi.

Tama naman siya, kasama  naman ni Bea si Gordon kaya dapat wala akong ikatakot rito. Kaso malay ko ba, bahala na.

Takang-taka rin ako sa sarili ko dahil, dapat tandaan ko ang araw na ito, dahil espesyal ito kay Bea. Ang araw na nagkaroon at naging sila ng unang kasintahan niya. Siguro ay nagde-date na sila.

Di ko maiwasan kiligin dahil sa nanyari kanina. Ang ganda naman na bubungad sa susunod na chapter na susulatin ko. Siguro ay lalong aabangan nila ang kwento ko-nila.

"Sige,"

Tinalikuran ko na lang siya at di maiwasan mapangiti sa iniisip kong isusulat. Ano kaya ang nanyayari na sa kanila ngayon? Kamusta na kaya si Bea?, siguro ay pulang-pula na ang mukha nito at maririndi na naman ako sa pagtili niya.

"Aalis na ako-este papasok na ko!"pagkaway ko rito ngunit di na siya muling nilingon pa.

Pagbukas ko ng pinto ay tahimik ang klaseng bumungad sa akin. Nakaupo sila ng deretso at ni wala man ang balak na magsalita. Ningitian ko lang sila at naging peke ito, dahil isang mabigat na presensya ang naramdaman kong nakatingin sa akin.

Napako ang tingin ko sa harap ng blackboard, dali naman akong napayuko ng magtagpo ang mga mata namin. Pigil hininga ako habang rinig ko ang takong nito na naglalakad patungo sa akin.

Napapikit ako ng mariin at napakagat na lang ng labi. Bakit si Ms. Durga ang pumapalit kapag wala lagi ang ibang guro namin? Kaya pala na pansin kong wala yung iba lalo na ang Class President namin dahil nga sa papalit na guro.

"Ms. Garcia?"sayang ang matamis na boses ni Ma'am kung ganito naman ang kilos niya.

Tumingala ako at pilit na ngumiti, ang pulang labi niya at kaunting kolerete sa bandang taas ng mukha ang bumungad sa akin. May katangkaran rin ito kaya halos minsan ay mabali ang ulo namin, tapos naka sapatos na may takong pa.

"Huwag mo akong ngiti-ngitian diyan."mataray na sabi nito. Nakataas na ang kilay at nanlalaki na ang mga mata, na wari ay dinuduro ako.

Napabuga nalang ako ng hangin, "Ma'am-"napatigil ako sa mabilis na pagsaway nito sa akin.

"I don't want to hear your excuses Ms. Garcia!"medyo tumaas na ang boses nito na kinakatakutan ng lahat ng estudyante. Pansin ko rin ang pag-iwas ng tingin ng mga kaklase ko.

Tumayo na lang ako ng tuwid habang nakayuko para ihanda ang sarili sa pagpapahiya ni Ms. Durga. Sanay naman ako sa mga sasabihin nito pero di pa rin matatanggal ang scholarship ko, iyon ang mas importante. Rinig ko ang paghinga nito na halatang pilit kinakalma lang niya ang sarili.

Bully That NerdWhere stories live. Discover now