CHAPTER 4

309 68 3
                                    


TAPOS na ang trabaho ko.

"Hatid na kita, Tria"wika ni Josh at bibit na niya ang bag ko. Bakas sa mga mata niya ang ngiti.

Ngumiti rin ako at umiling "Huwag na makaabala pa ako sayo."dahil totoo naman, kahit gabi na pero kaya ko naman umuwi pa.

Napakamot ito sa batok. "Tsk nahihiya ka lang ehh."ngiti nito.

"Tara na ihahatid na kita."di ako nakapagsalita sa paghila nito sa akin palabas ng café at binitawan niya ako sa harap ng motor niya. Motor ang gagamitin ba namin.

"Teka bitbitin mo muna."sabi niya bago ibigay yung bag ko. Hinawakan ko ito at napatingin lang sa ginagawa niya.

Nag suot na siya ng helmet at kinuha yung isa na dapat isusuot sa akin kaso.

"Ahh sasakay tayo riyan?"takang tanong ko. Medyo naramdaman ko naman ang pamamasa ng mga kamay ko.

Tumango lang ito at isinuot sa akin yung helmet.

"Oo akin na iyan bag mo"sabay katok nito sa helmet na suot ko. Napipikituloy ako. Kaya kong sumakay rito.

"Sakay."saad niya at sumakay na lang ako.

"Hawak sa balikat ko."utos nito kaya sinunod ko naman pero okay lang din pag di humawak dahil may harang naman sa likod ehh.

"Ready kana kapit mabuti ha"saad lang nito bago pinaandar ang motor.

Napapikit ako sa naramdaman na hangin na sumalubong sa amin, napangiti na lang ako.

"Ang saya pala mag motor"ako, ngunit parang di narinig nito.

"Hoy sabi ko ang saya pala mag motor!"sigaw ko na sa kaniya.

"Oo naman… pagkasama ka."tanging saad nito, di na ako nagsalita dahil saya akong sumakay rito. Pinagbahala ko naman yung huling sinabi niya.

Nang makarating kami sa bahay namin ay bumaba na ako at tinangal na yung helmet tsaka iniya siya papasok ng bahay kaso.

"Sige… Tria gusto ko pa naman pumasok pero… kailangan ako ni Dad ehh."saad nito napatango na lang ako at kumaway.

Pagkapasok ko sa bahay ay inilagay ko muna ang bag ko sa kuwarto bago pumunta sa kusina para tignan yung mga natirang pagkain sa ref pero nagulat ako sa mga plato na nasa lababo at napatingin ako sa ref namin. Napasuklay ako ng buhok dahil wala yung natirang ulam kaninang umaga.

Dali akong pumunta sa tindahan upang bumili ng sardinas.

"Pabili po ng isang delata ng sardinas"saad ko at ibinigay naman ng ali iyon.

"20 iha"saad niya at niabot ko ang bayad.

"Salamat po"ako.

Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong naghanda para sa pagkain ni lola at kumain na rin ako pagkatapos pakain si Lola. Hinugasan ko yung mga plato pagkatapos ay pumunta na ng kuwarto para magpahinga. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod.

Tulad ng gawain ko sa sabado at linggo ay ang maglaba, maglinis ng bahay, mamalengke kahit kaunti lang. Si Bea naman ay sabado lang punta rito at halos saglit lang iyon nang makita niya akong abala sa bahay.

MAAGA akong pumasok, lunes na naman kase ulit pero okay lang iyon. Sinabi ni Bea na di raw nila ako masusundo. Andito na ako sa room at halos kalahati pa lang kami rito. Tumaas ang kilay ko ng makarinig ng bulong mula sa isang kaklase.

"Hoy si Press may sinusulyap dito."mahina lang ito pero bakit parang rinig ng buong klase.

Napadako ang mga mata ko sa pintuan at nakita ko ang pag-alis niya sa pagkasandal. Tumalikod at nagsimula maglakad papalayo. Tumayo ako at nagpunta sa pintuan, habol tingin sa kaniya hanggang mawala siya sa paningin ko.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon