CHAPTER 24

102 14 0
                                    

"Si Bea?"

Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko. Medyo napa patigil pa ako sa paglalakad rito dahil may kaunti pang pagkaikot ng paligid ko. Sa pagpasok ko ng pinto ng classroom ay walang Bea na sumalubong sa akin. Umupo na ako sa upuan ko at muling napahawak sa noo.

Hindi na ulit ako iinom…

Napalingon ako sa gilid ko na mapansin may nakaupo roon. "Kathy—"sasabihin ko pa lang ang pangalan niya pero umalis na kaagad ito, ni 'di 'man lang lumingon sa akin.

"Si Bea,"bulong ko sa sarili.

Nagising na lang kase ako kanina na nasa bahay na. Yung kagabi ay kaunti na lang ang naaalala ko, tulad ng nagpunta kami at nagsimula ba kaming mag-inuman nila. Ganoon pa rin ang suot ko tulad ng damit ko ng umalis kami. Hindi ko alam kung sino ang humatid sa akin kung si Bea ba o—nakakatakot naman kung may iba pa. Imposibleng si Lincoln ang maghatid sa akin roon—pero paano nga kung siya, mabuti na kung siya dahil pinagkakatiwalaan ko naman ito.

Pero, paano kung hindi?

Muli akong napahawak sa ulo dahil kumirot ito. Inayos ko ang sarili at pinipigilan ang mapadaing dahil pumasok na rito ang unang professor namin. At akala ko ay 'dina talaga papasok si Bea pero kaka'Goodmorning' pa lang namin ay bigla itong bumungad sa pinto.

Nang umupo na ito sa tabi ko. "Ayus ka lang?"bulong ko rito habang nakatingin sa harapan.

Kesa sagutin nito ang tanong ay napalingon ako sa pag-iiba niya ng usapan.

"Sino naghatid sayo kagabi?"walang tono niyang sabi.

Kaunti ay nakaramdam ako ng kaba sa dibdib. Hindi ko sigurado kung si Lincoln ba talaga ang naghatid sa akin pero sino pa kaya?

Si—

"Si Lincoln…"

"Nakita ninyo ba si Bea?"

Tanong ko sa mga andito, kasama ko siya kanina paglabas ng room pero nawala ito sa tabi ko.

Nagtungo na rin ako sa labas ng building at nagbabakasakaling nasa cafeteria na, dahil lunch rin naman ngayon. Ngunit pagkarating ko roon ay walang Bea na nakita.

Umupo na lang ako sa sulok ng cafeteria at tahimik na kumakain. Hihintayin ko na lang si Bea na dumating at alam naman niya kung na saan ako. Halos maubos ko na ito ay wala pa rin dumadating.

"Tria!"napalingon ako sa tumawag sa akin.

Dali itong lumapit at umupo sa tabi ko. "Ano iyan kinakain mo?"inosente niyang tanong.

"Pagkain, kumain ka na ba?"tanong ko rito at tumango lang ito.

Kinuha na naman ito ni Press. at sabay silang kumain. Pansin ko lang araw-araw atang may pa-moves si Press.

"Hintayin na lang kita."saad niya.

Ako naman ang napatango at ipinagpatuloy ang pagkain.

'Lah manloloko pala siya'

'Hindi dapat siya maging end game ni Press.'

'Baka kase gawa-gawa lang nila ito.'

'Tama dahil na iingit sila kay Bea.'

'Kawawa si Bebe Dexter ko, niloloko lang ng babaeng 'yan.'

Kunot noo ako sa mga narinig at nagkatinginan pa kami ni Bea. Yumuko na lang ito.

"Ano 'yun sinasabi ninyo?"tanong ko sa mga nasa kabilang lamesa.

Kesa sila ang sumagot ay may mga babaeng nagtungo sa amin at gulat ako sa bilis ng panyayari. Pareho kaming basa at sabunot-sabunot nila si Bea habang itinapat sa mukha nito ang cellphone ng isa sa kanila. Tatayo pa lang sana ako ay napatigil ako na iharap nila ang cellphone sa akin.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon