CHAPTER 9

200 48 1
                                    

Iha ito nga pala ang gamot na pinapadala ni Bea."

Pagbukas ko ng pinto ay si Manong driver nila Bea ang sumalubong sa akin. Naka-uniform na ako at dala ang bag kung nasaan ang mga gamit ko sa eskuwela.

Nahihiya man ay ako ay kakapalan ko na lang ang mukha. Kinuha ko ito at ngumit.

"Ahh sigaw po, salamat po."pagsasalamat ko rito. At napatingin sa likod nito.

Nakita ko si Bea sa bintana na nakumakaway habang nasa loob ng kotse. Napabaling ulit ako kay Manong ng umimik ito ulit.

"Sige po, hintayin na lang po namin kayo."tinalikuran naman ako ni Manong.

Nagpunta lang ako sa kusina upang ilagay sa lalagyanan ng mga gamot ni Lola ito. At muling sinilip si Lola na mahimbing nantutulog sa kama niya.

Matapos iligay ang mga gamot sa ref ay isinarado ito at napatigil ako nang mapansin yung sa pinto yung nakadikit na papel sa ref.

Ito yung number ni Mama na ibinigay niya sa akin na pinadala niya sa mga kaibigan niya, ngunit sinusubukan kong i-dail ito sa bagong cellphone ay hindi na ma-contact.

Napaupo na lang ako sa sofa ng sala at napatigil nang makita ang isang notification sa message, mula ito sa unknown number. Di ko na pinansin dahil napansin ko ang oras. Malalate na kami.

Napatitig ako sa book cover ng 'Bully That Nerd'

Bakante naman ngayon kaya magsusulat muna ako sa unang kabanata. Abala pati si Bea sa pagbabasa yung mga kaklase namin ay mga tahimik lang. Siguro ay natutulog ang iba dahil may mga nakayuko at nakasubsob sa desk nila. Hinihintay namin na mag time na para sa recess.

—————✧✧✧—————

BULLY THAT NERD: 1 Kabanata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BULLY THAT NERD: 1 Kabanata

"Di ko sinasadya sorry."

Napayuko na lang ako dahil sa kagagahan ko. Si SSG president kase iyon, at natapunan ko siya ng juice. Kinuha ko yung pamunas na nasa bulsa ko at inilapit roon sa natapunan na juice bandang dibdib niya ay marahan tinulak niya ako. At nilampasan, natulala akong iniawan rito.

"Ghod si Dexter" g¹

"My Love" g¹

"Bebe ko" g²

"Kasama niya ang SSG officer's" g³

"Ghod ang hot nilang lahat" g⁴

If you thought na sana fansign o may kaibigan akong artista pero andito lang ako sa harap ng University, nakikipagsiksikan para makita yung dumadaan na dinidimog ngayon. Hinawakan ko itong mahigpit na isang box na chocolate para makapag-sorry kay President sa ginawa ko.

Buong lakas akong pumunta sa gitna at inayos pa ang salamin ko bago tumilanga. Parang mangangawit yung leeg ko kung araw-araw ko siyang tititigan ng ganitong kalapit. Inilahad ko ito sa kaniya bago pumikit at yumuko na lang, i felt a shy dahil siguro ay maraming tao.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon