CHAPTER 26

118 12 1
                                    

"Tria!"

Mabilis akong napalingon sa gawi ng pinto. Napangiti ako na makita si Bea, may pinuntahan kase siyang importante kaya ngayon oras lang siya nakapasok. Lumapit ito sa akin na malaki ang ngiti at napatayo ako ng hilahin niya ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen. Kunot noo kong tinignan nito.

"Teka nga,"hinawi ko ang kamay niya at pinulot ang nahulog na ballpen.

Ano ba nanyayari rito?

"Sasama ka sa akin."pagngiti niya.

Saan kaya na naman?

"Paano kung ayaw- oo na nga."bigla itong ngumuso at binawi ko na kaagad ang mga sasabihin ko.

Bumalik ang pagngiti niya na abot tainga at napatigil ako sa pagtalikod para kunin ang bag ko na maalala na hindi ko nga pala alam kung saan kami pupunta.

Muli ko siyang hinarap, "Saan nga pala tayo pupunta?"inosente kong tanong.

"Sa library lang!"halos itili niya ito.

Sa library lang naman pala. Ano kaya babasahin namin roon?

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay sabag ko. Nang lumabas na kami ng room ay ganoon na langang pagka gulat ko ng makita si Gordon sa gilid ng pinto.

Huwag nilang sabihin na siya ang nag-aya. Ngayon ko lang napagtanto na ang ngiti iyon ay isa lang ang tangingnagbibigay sa kaibigan ko.

Bakit 'di ko kaya kaagad naisip iyon?

"Kasama siya?"bulong ko at nauna kaming naglakad.

"Basta,"pagsawalang bahala niya sa tanong ko.

Tumingin ako sa likod, at tahimik lang naisnusundan kami nito. Bumalik ang tingin ko kay Bea at nagtaas-babaang mata ko sa buong katawan niya. Hindi ko man lang napansin na naka-uniform pala siya kaso hindi ko naman sinasabi na maikili ang palda niya ngunit halos kita na ang suot niyang cycling.

"Masiyado bang maikli?"tanong nito, siguro ay napansin niya ang pagtingin ko sa kaniya.

Wala akong alinglangan na tumango, "Dapat yung dati mo na lang palda, mas maayos pa iyon."sabi ko rito.

Hindi ito umimik.

Tahimik namin tinahak ang daan patungo sa library at nang makarating roon ay pumili kami ng upuan na nasa bandang dulo. Balak ko pa sana na humiwalay sa kanila dahil sila na nga ngunit ayaw naman ni Bea. Tinanong niya ito kay Gordon ay ayos lang daw ngunit nakakahiya talaga sa kanila.

Napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin, na mas lalong nakakapang-ilang sa akin. Isinarado ko ang librong binabasa at tumayo.

"Lilipat na lang ako ng upuan."napatigil ako nang maramdaman ang kamay na humawak sa pulsuhan ko at napalingon rito.

"Hindi, dito ka uupo."wala akong alinglangan umupo at napako ang tingin kay Bea na abala pa rin sa pagbabasa.

Rinig ko ang mga bulong na tungkol sa amin. Hindi maklaro ngunit rinig ko ang mga pangalan namin.

Kinahapunan ay nagtungo kami sa garden para maglibot roon, matatayog na puno ang tumatakip sa sinag at init ng araw. Napatigil ako ng humiga sa kulay berde na damuhan si Gordon at sunod naman ay si Bea. Magkatabi sila at ako naman ay tumabi kay Bea.

Napaisip ako, bakit kaya naisipan gawin ito ni Gordon at dapat ay sila lang dalawa. Pansin kong lagi nila ako sinasama sa mga bagay na dapat sila lang dalawa. Tulad ngayon dapat sila lang ang magkasama pero mas mabuti na ito dahil nakakasama ko ang kaibigan ko, ilan araw ko rin siyang 'di nakasama dahil abala sa mga kaibigan niya.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon