CHAPTER 25

120 16 3
                                    

"Bea?"

Gulat na sabi ko na lumabas ito ng kuwarto niya. Nagkatitigan kami ngunit ningitian niya lang ako. Wala na siyang suot na salamin, ang mahaba niyang dating palda ay ngayon halos mahapit ang kaniyang balakang. Ang maluwag na polo ay ngayon hapit na hapit at kitang-kita ang korba ng kaniyang katawan. At naka takong ito na sobrang taas kaya naman nadagdagan ang tangkad niya. May maitim at mapula itong kolorete. Talagang 'di ko mamasabing siya ang kaibigan ko.

"Sino ka?"pagbibiro ko rito, "Na saan kaibigan ko?"lumingon pa ako sa likod niya.

Kumunot ang noo niya at halos tumirik ang mata sa pag-irap. Iniwagayway pa niya ang buhok bago magsalita.

"Ako ito, pero hindi na ako si Bea ngayon.."ako naman ang kumunot ang noo at ngumiti sila ng napakalaki-laki.

Papalitan ba niya ang pangalan niya?

"Ako na si Bea two-point-o."napangiwi ako sa sinabi niya at taas baba ang paningin sa kaniya.

Nauna na itong maglakad pababa sa akin at sinundan ko lang siya.

"Parang sumobra ka naman ata."saad ko rito.

Ang tinutukoy ko ay ang pananamit niya, para kaseng iyon ang mga uniform ng mga nambu-bully sa kaniya.

Taas kilay siyang humarap sa akin. "No."at muling tumalikod.

Nang makababa na kami ay sumalubong sa kaniya ang yaya niya. May painag-uusapan sila at ako naman ay naghintay lang rito sa labas. Sa paglabas ni Bea ay dali kaming sumakay ng Van.

Nakaupo ito ng parang ayaw magusutan ang mga damit niya. Hindi man lang sumasandal o kaya ay yumuyuko. Ngayon ko lang na isip bakit siya nagbago sa paraan ng pananamit niya. Kung ang mga maluluwag ay sabi niya na komportable sa rito.

Ngayon ay nag-aayos siya ng buhok niya dahil aksidente natanggal ang isang itim na clip. Sa pagpreno ng sasakyan ay halos mauntig ito sa likod ng upuan na nasa harapan niya, mabuti ako ay nakahawak sa likod nito at nakasandal.

"Manong dahan-dahan naman!"sigaw nito at napairap siya.

Napansin ko ang pagyuko ni Bea ngunit umaangat ang suot nitong damit. Tumingin ito sa akin, "Tria pwede ba paki-abot noon clip?"pag ngiti niya.

Walang alinglangan kong kinuha ito, "E, bakit ka kase nagsuot ng ganiyan."pag bigay ko sa kaniya ng clip.

Napatigil ito at umiwas ng tingin. "K-kase... may nag-send sa akin ng mga picture na may kasamang ibang babae si Dexter at yung kahapon lang raw nanyari ay yung picture ng 'Si Dexter ay sinisintas ang sapatos ng babae roon sa likod ng school'."

Ano?

Yung kahapon... imposibleng ako iyon.

"At marami pang litrato siyang pinadala."may tumakas na luha mula sa kaniyang kanan mata.

Sino nagpapadal sa kaniya ng ganoon, para saktan lang ang kaibigan ko.

Marahan akong napatigil, "Tapos hindi pinakita yung mukha noon nagbigay sa akin ng picture, ang sabi lang niya ay 'Huwag mong kaibiganin ang mga ahas'."

Ahas...

"Ayaw ko lang kase na agawin at kunin niya si Dexter sa akin."pinunasan na niya ang mga luha at bumuga ng hangin.

Wala lang siguro iyon, baka nadamay lang ako at 'di naman talaga ako yung tinutukoy niya-nila.

Pero paano kung ako iyon...

Siguro hindi lang naman ako ang sinintasan niya.

Hindi ko naman aagawin sa kaniya si Gordon.

Simula pa lang ay alam ko ng gusto niya ito kaya bakit ko ito gagawin.

Bully That NerdWhere stories live. Discover now