CHAPTER 29

132 10 2
                                    

"Wala na akong magagawa."

Bago ito tumayo at umalis na hindi na nagpaalam. Miski ako ay nalulungkot para sa kaniya. Mga taong nagmamahal lang sila, hindi nila ginusto at gusto mangyari iyon. At wala rin kasalanan si Gordon. Siguro simula una ay ako talaga ang may kasalanan at may gawa nitong lahat.

Sa totoo ay namamangha, kung baga ay may crush ako sa kaniya pero hanggang doon lang muna iyon. Hindi pa ako handa.

Kung sinabi ko na kaagad na umamin sa akin si Gordon na gusto niya ako sumula pa lang noon una. Siguro ay hindi ko na maiiisulat ito at makakalimutan na rin ni Bea ang damdamin mula rito.

Pero hindi ako susuko, maaayos ko pa ito. Mapapatawad rin ako ni Bea. Ang problema lang ay paano?

Paano ko makukuha muli ang tiwala niya?

-

Takang-taka na lamang ako namabuti ay hindi kumakalat o pinag-uusapan ako ng mga andito sa university. Pinagmamasdan lang nila ako at pagkatapos noon ay ngingitian lang. Litong-lito rin ako kung galit ba sila o wala lang talaga silang pake.

"Omg! Ayan na siya!"lahat ng mga nag-uusap sa gitna ay walang alinglangan na nagsigilid sila.

Ang lahat ng andito ay isa lang ang direksyon na tinitiganan, sa likod ko. Sa paglingon ko roon ay nanigas ako na makita ang mga number one queen at mga kasamahan niya rito sa school, kasama na roon si Bea. Nakaitim na long sleeve, butas-butas naman ang short nitong maikli at ang hills nito ay nasa anim na talampakan.

Alam ko ay bawal ang mga ganiyan na pananamit lalo na sa mga katulad namin estudyante rito. Paano sila pinapasok ng guard.

Tumigil sila sa aking harapan, hindi inalis ang aking mata kay Bea na abalang may kinukuha sa bag niya at nang makuha na niya ang bagay na ito. Nang mapako ang paningin niya sa akin ay ngumiti lang ito. Matipid akong napangiti ngunit napawi ito ng makita ko ang pag-ikot ng kaniyang mata. At humarap sa mga kasama.

"Ibigay ninyo na 'yan girls, ihahatid na lang niya 'yan sa room natin."halos saluhin ko ang lahat ng mga inihuhulog na lang nilang bag na mukhang mamahalin pa.

"Huh?"marahan kumunot ang noo ko.

Ngumiti lang ito ng malaki, "Hindi ba Tria."umirap pa siya bago ako iniwasan ng tingin.

"Ako maghahatid nito?"mahina kong tanong sa kaniya.

Sa pagtaas baba niya ng kilay ay mabilis akong tumango. At ang huling bag na ibinigay niya ay sa kaniya, isinabit lang niya ito sa aking leeg. Ipinagpapasalamat ko na lang na halos magagaan lahat ng dala ko, maliban sa sariling bag ko.

Habang abala ako sa paglalakad rito sa hallway ay may tumawag sa akin na dahilan ay mahulog ko ang lahat ng akin dala. Mabilis akong lumuhod at pinulot isa-isa ito. Pinagpagan ko na rin.

"Pinagtripan ka na naman nila?"habol hinga ito at nakakunot na ang mga noo.

"Ayus lang ako,"ngayon ay tumayo na ako at nasa magkabilang balikat ang lahat ng bag.

Napaatras na lang ako ng kinuha niya ang aking mga dala. "Pinapahirapan ka na niya."ngunit hindi ko ito binitawan.

"Kung ganitong paraan niya ako mapapatawad, Tatanggapin ko."mapait akong ngumiti, dahan-dahan itong napabitaw sa akin.

Saglit na napatigil. Siguro ay nagulat lang siya.

"Galit na galit pa rin kase siya sa akin, kaya siguro ay pinapagawa niya ito."pagnguso ko sa mga bag.

"Ang gaan lang kaya nila."matipid akong napangiti.

Ilang room pa ang pupuntahan ko at mauubusan ata ako ng oras para makabalik na kaagad sa aking klase.

Bully That NerdWhere stories live. Discover now