Forty-Eight

624 12 0
                                    

Nelle's POV

I am now sitting beside my husband, yes my husband, not anyone else husband. He did make his promise to me, he is now officially my husband.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bilis ng panahon, parang noong nakaraan lamang ay minamaliit at tinatapak-tapakan ako ng lahat dahil sa estado ko noon at sa mga naririnig patungkol sa akin.

Ganiyon na lamang ako husgahan ng lahat na hindi manlang inaalaman ang totoong pangyayari.

Ngayon ganiyon na lamang ako igalang ng lahat, dahil sa asawa ko na ang isang tanyag na lalaki. Ultimo ang nakaaway kong ilan sa trabaho noon, bumabait sa akin ngayon.

Iba nga siguro talaga ang nagagawa ng money and fame. Napakaraming nabibiktima at napapaikot nito.

Napailing na lang ako sa mga naalala ko.

Hindi ko rin maiwasan na matawa sa sarili ko, dahil parang noong isang araw lamang ay mainit ang ulo ko dahil sa kung anong bagay, ngayon ay ubod naman ng saya ang nararamdaman ko.

Parang roller coaster of emotions ang naramdaman ko sa buong araw na ito, naiinis sa kaibigan ko na siyang kasama pala sa nagpakana nito. Na stress dahil sa sa traffic na hindi ko alam pero parang kasama rin sa plano nila, gayun rin ang trabaho na naiwan sa akin.

Tapos umabot sa point ng na hold up pa ako ng kung sino man at na kidnapped, na siyang kasama rin naman pala sa plano.

Lahat talaga ay nakaplano. Walang mintis.

"I see you're smiling on your thoughts, care to share it with me love?"

Lumingon ako sa katabi ko at napailing na lang.

Lahat talaga gusto niya nalalaman.

"Wala naalala ko lang yung samo't-saring emotions na naramdaman ko ngayong araw. Ikaw pala ang puno't dulo ng lahat. Walanghiya ka talaga" pabiro ko pa itong hinampas sa braso at natawa na lamang.

He just smiled and kiss me on my forehead.

"I'm sorry if it scares you, kailangan lang sa plano"

Umirap na lang ako rito at tumango.

"Oo na alam ko, halata ngang planado mo lahat eh. Basta sa susunod, huwag mo na gagawin iyon, ok? Hindi maganda kasi nakakamatay sa kaba at takot"

Ngumisi naman ito at itinaas ang dalawang kilay.

"So gusto mo ulit magpakasal sa akin?" nang aasar nitong tono.

Usually kapag ganito siya ay naiinis ako. Pero ngayon ay natatawa na lang.

"Why not? I mean I love you and I think sapat na iyong ilang taon natin niloko ang mga sarili natin" sabi ko pa rito ng nakangiti.

Napangiti naman ito sa sinabi ko at pinisil na lamang ang dalawa kong pisngi.

Isa talaga sa hobbies niya ang gawin ang bagay na iyon.

Ayoko talaga ng ginagawa iyon sa akin dahil medyo masakit  sila pumisil at pakiramdam ko nakakalawlaw iyon ng pisngi, pero hinayaan ko na lamang ngayon.

"And now, let's all welcome our newly married Mr and Mrs. Estevan"

Everyone clapped their hands and all eyes are on us while we're walking in the stage. Some of our friend, especially Airon's friends starts teasing him na ikinatawa naman ng lahat.

"Look how lovely our couple is. Congratulations to both of you. Can we have some kiss over there Mr and Mrs. Estevan?"

I heard our host says and everyone agreed. I just smiled and look at Airon who's actually looking at me.

Owned by HimWhere stories live. Discover now