Forty-One

623 14 0
                                    

Nelle's POV

"Mom kailan po uuwi ang daddy?"

Tinigil ko ang ginagawa ko at saka hinarap ang anak ko ngayon ay tumigil sa pagbabasa ng libro. I looked closely to the book and it was all about animals.

"I don't know son. But isn't daddy always call us? Maybe he's just busy, alam mo naman ang daddy mong iyon"

It's been a week and yet hindi pa rin umuuwi si Airon, ang paalam nitong tatlong araw ay humigit pa.

Whenever I tried to ask him kung kailan ito uuwi ay binabago nito ang usapan, biglang idadahilan na may biglaan itong gagawin.

Kung dati ay nagagawa nitong araw-araw makatawag at nakakailang beses pa, Ngayon ay bibihira na. Sa loob ng isang linggo ay iilan na lamang ang pagtawag nito.

Kinukutuban na ako sa nangyayari kaya naman parati akong nagtatanong rito. Lagi ko itong kino-corner pero lagi rin itong nakakahanap ng paraan para makaalis sa usapan.

At ngayong araw na ito, gabi na at lahat ay hindi pa ito tumatawag, katulad ng nangyari nung isang araw.

I heard my son sighed kaya naman nabalik muli ang atensyon ko rito. Kita ko ang malungkot na mukha nito. Halatang namimiss na ang ama niya.

Nilapitan ko ito sa kama at niyakap.

"You miss him ano?"

He nodded his head and hug me back. Napabuntong hininga rin ako.

"I miss him too baby. Mag hintay pa tayo ok? Darating rin iyon. Malay mo bukas magulat ka pagkagising mo andiyan na siya"

Imbes na mapangito ay mas lalo lang itong nalungkot.

"You've been telling me that a lot mom. Kailan po ba talaga uuwi si daddy?"

Niyakap ko na lang ito dahil hindi ko alam ang isasagot.

Hindi ko alam ang nangyayari kay Airon sa ibang bansa, at wala akong kaalam-alam sa ginagawa nito bukod sa katotohanan na isang malaking kasinungalingan ang idinahilan niya sa akin.

"Come on matulog na tayo. It's already past 10 na anak, tama na ang pagbabasa"

Tumango lang naman ito sa akin. Hay nako. Ilang araw ng ganito ang anak ko, at ako rin dahil sa pag aalala sa ama nito.

"Do you want to sleep here? Beside me? Katulad ng dati?" pagtatanong ko pa.

Umiling naman ito.

"No mom, malaki na po ako. I'm a big boy na"

Natawa naman ako ng magpakita pa ito kuno ng muscle niya sa braso na wala naman.

"Baby pa rin kita. Ikaw ang nag iisang baby ng mommy. Halika na sabay na tayo magsipilyo"

Nauna na akong lumakad papunta sa banyo, pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang maliit na ngiti ng anak ko. Somehow it made my day.

Ilang araw ng wala si Airon, at nag aaala kami ng anak niya, at mas nangungulila ako dahil sa kaalaman na habang lumilipas ang araw, parang nawawala na ang maliit at makulit na anak ko.

Ang mga kilos nito ay pumipino, gayundin ang pag iisip at pananalita.

Natatakot ako sa totoo lang. Parang ang bilis ng panahon na sa isang iglap malaki na agad ang anak ko. Kaya naman ngayong kami lang muna ang magkasama ay susulitin ko iyon.

Ako na ang naglagay ng toothpaste sa tootbrush nito at binigay ito sa kaniya. Habang nagsisipilyo ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Kinapitan ko ang buhok nitong napakalambot habang nagsisipilyo, na nauwi sa panggugulo na nauwi sa tawanan at kulitan namin mag ina.

Owned by HimWhere stories live. Discover now