Forty-Two

627 11 0
                                    

Nelle's POV

Today is just the usual day, normal day ng tipikal na ina at may kapartner sa buhay. But it feels like something special, kahit wala naman talaga.

Hindi ko alam kung ako lang ba iyon, pero pakiramdam ko napaka special ng araw na ito ngayon.

Siguro nga ako lang ang nakakaramdam niyon, dahil lahat naman ay katulad pa rin ng dati, ang mga kilos nila ay ganun pa rin naman, walang pinagbago at wala rin naman akong nakikitang dahilan o kung ano pa man para maging special ang araw na ito.

Maybe because I know for a fact na isang malaking tinik ang nabunot sa lalamunan ko. Ang tinik na ilang taon kong dinala at binaon. At ngayong wala na ito, pakiramdam ko napakasaya ko, ako na ang pinaka masayang tao ngayong araw na ito.

Magagawa ko ng gawin ang lahat ng bagay na gusto ko na walang inaalalang isyu na maaaring makaapekto sa image ni Airon, ng anak namin at kahit ang kapatid ko. I now have the rights to show how much I love him and how much I treasure this family.

Wala na akong aalalahanin na isang tao na maaaring makasira sa amin at sa pangarap ko, ang isang tao na napakalaking threat sa buhay ko at kasiyahan ko, ang simpleng pagbabalik nito na halos ikabaliw ko sa kakaisip.

But now I can do anything I want, caused they're already annulled and I am Xhaito's mother and Airon's fiancé.

After the unexpected event that had happened yesterday, the comeback of Rosalie Gomez and Airon that leaves us a big shocking truth. When I ask Airon about the annulment when we got home, sinabi nito na iyon raw ang naging dahilan para mawala ito ng isang linggo at maging busy.

Dahil hindi naman ganun kadali mahuli at mapasuko ang babaeng iyon. Kaya nauwi pa raw sa isang dayaan, iyon yung dayaan na talagang nagustuhan ko.

Hindi naman na ako nagtanong pa at nagtaka kung bakit napakabilis ng process ng annulment papers nila, dahil knowing Airon, mayaman naman ito at maraming connections kaya napakadali lang kung gugustuhin nito.

Napahinga ako ng malalim at napangiting tumingin sa maliit na picture frame sa aking lamesa.

I like the view from here. Me seeing our family picture in Xhaito's christening.

"Ganda naman ng ngiti natin riyan best. Usap-usapan rito may nangyari raw na commotion sa mall kahapon ah. Isa sa katrabaho natin nakakita sa inyo nila Sir Airon"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita kong papalapit sa office table ko si Cherry na may ngiti rin sa labi at bulaklak.

Wait is that really a flower? Isang gumamela ang nakasingit sa kaliwang tenga nito.

"Bakit ka naman may bulaklak? Saan mo naman napulot yan?" natatawa kong tanong habang tinuturo pa ang nasa tenga nito.

"Ah ito ba?" kinapitan pa nito ang bulaklak at napangiti.

Nako mukhang alam ko na ang sagot. Napailing na lang ako. Marupok talaga ang kaibigan kong ito.

"Huwag mo na sagutin. Alam ko na"

Natawa naman ito sa sinabi ko at nag pose pa na animo ay kukuhaan ko siya ng litrato.

"Maiba ako, totoo ba ang usap-usapan rito? Yung kahapon?"

Sumandal pa ito sa office table ko na talagang balak atang makipag chismisan sa oras ng trabaho.

Pero dahil masaya ang pakiramdam ko ngayon at wala na rin akong pakialam kung masita kaming dalawa. Wala naman si Airon at may biglaang importanteng meeting sa Laguna, kaya naman bigla na lang ito nagpaalam sakin.

Isa pa malakas loob ko, baka kasi mapapang asawa ko lang naman ang CEO ng company na ito.

'Ang landi Nelle. Gustong-gusto niya oh'

Owned by HimTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang