Four

1.8K 42 4
                                    

Nelle's POV

Pinagkatitigan ko ang building na nasa harap ko ngayon, isang napakalaking building at napakaganda. Kinakabahan ako pumasok at magpakilala dahil pagkatapos ng tawag na iyon ng gabi ay hindi na nila ako muling tinawagan.

Ngayon napagdesisyunan ko ng tanggapin iyong offer nilang trabaho, sapagkat nakalipas na ang tatlong araw ay hindi pa din ako nakakahanap ng ibang trabaho.

Paubos na rin ang perang mayroon ako ngayon kaya naman it leave me no choice.

Huminga ako ng malalim bago humakbang papasok sa loob, nakita ko ang isang babae sa front desk kaya lumapit ako doon.

"Hi ahm andyan po ba si Ms. Revy?" Nilingon ako nito at saglit na tinitigan.

"Yes she is, but may I know your name ma'am?"

"Nelle Aransela, pwede ko ba siyang makausap?"

"Do you have an appointment with ma'am Revy?" Umiling ako bilang sagot kaya naman sasabihin na siguro nitong bumalik na lang ako sa susunod pero inunahan ko ito.

"But please call her and tell her that Nelle Aransela is here" she just eyed me but did not do anything.

"Please? I badly want to talk to her, it's important kamo" napagbuntong hininga ito at tsaka tumawag sa itaas.

Ilang segundo ng tumawag ito ay tsaka mukhang sinagot ang tawag ng babae sa harap ko.

"Yes hello Sandra, may gustong kumausap dito kay ma'am Revy but she don't have any appointment with her. Pero pinapasabi nya na pasabi raw na she's Nelle Aransela"

Tumingin pa ito sa akin na halatang nanunuri bago bumalik sa telepono.

Nakita ko itong saglit na natigilan at mamaya ay tumango at binaba na ang tawag. Lumingon ito sakin at ngumiti.

"Just please wait a minute ma'am, pinapasabi po ng secretary ni ma'am Revy na nasa gitna pa ito ng meeting. Please have a seat" tumango ako bilang sagot at naupo sa mga upuan sa di kalayuan.

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at masasabi kong talagang maganda nga dito, everyone is doing their jobs and mukhang maayos naman ang trato ng bawat isa kaya napatango ako.

Pinatong ko sa binti ko ang folder na hawak ko at kinuha ang bag ko, habang naghihintay na matapos ang meeting ay napagdesisyunan ko na munang maglaro sa cellphone ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag seserve sa laro na nilalaro ko sa cellphone ko ng may kumulbit sa akin at ng lingunin ko ito, nakita ko iyong babae na kausap ko kanina. Pinatay ko ang cellphone ko at itinabi sa bag ulit at hinarap ito ng maayos.

"Bakit?" tanong ko agad dito.

"Pinapasabi po sa taas na umakyat na raw kayo, ipapa assist ko na lang po kayo sa isang kaibigan ko paakyat at hindi ko po kayo masasamahan at marami pa akong kailangan gawin eh"

Tumango naman ako bilang sagot, natutuwa ako sa kanya at mabait sya makitungo sa akin. Nakita ko itong may tinawagan sa cellphone nya saglit at may kinausap pa, maya-maya ay may dumating na isang may katangkarang lalaki na may itsura din.

"Neil paki assist naman muna si ate paakyat ah? She have a meeting with ma'am Revy and I can't do it kasi may tinatapos pa ako eh" tumango ang Neil na sinasabi nitong babae at sumabay na sa akin papuntang elevator.

Ng magbukas ito ay pumasok na kaming dalawa, nakita kong pinindot nya ang ika 36th floor na button at nagsara na ito. Tahimik akong naghihintay na makarating kami sa ika 36 floor, at napaka awkward lang para sakin at sobrang tahimik.

Nabasag ang katahimikan na iyon ng magsalita ang nasa tabi ko kaya napalingon ako rito.

"Hi I'm Neil, sa marketing department ako. Nice to meet you" nakangiti nitong sambit at naglahad ng kamay kaya napatingin ako roon.

Owned by HimWhere stories live. Discover now