Thirty-Five

576 11 0
                                    

Nelle's POV

"Nasaan na kayo? Kanina pa kami rito"

Kausap ko ngayon sa telepono si Cherry dahil kanina pa raw siya naiinip at ang tagal namin dumating sa simbahan. Ang excited naman nito eh.

"We're on our way na. Bakit kasi napakaaga mo riyan? Ikaw na ang bibinyagan ah?"

Narinig ko pa itong tumawa kaya naman napailing na lang ako. Nababaliw nanaman ang kaibigan kong ito.

"Aba first time ko maging ninang eh, kaya excited ako and the mere fact na isang bigatin pang bata ang magiging inaanak ko. Aba papatalo ba naman ako?"

"Baliw ka nanaman. Sige hintayin mo na lang kami riyan, kausapin mo na lang ang mga santo riyan kung naiinip ka ng talaga"

"Oppss sorry best. Sa dami ng tao ngayon rito sa simbahan, imposible na makakausap ko pa ang mga santo. Besides andito na ata lahat ng bisita ninyo. Wait binyag ba ito o kasal? Ang daming tao eh" tumawa pa ito pagkatapos kaya naman napakunot ang noo ko.

"Maraming tao? Are you sure? Baka naman bisita yan ng iba, sa pagkakaalam ko ay ilan lang naman ang mga inimbita ni Airon bilang ninang at ninong ni Xhaito"

"Oo nga baliw. Lahat ay mga sosyalin best, kaloka buti naging prepared ako. Ang gaganda at gwapo ah. Kung wala lang akong kasamang Ethan ngayon baka nakipag usap na ako sa ilang gwapo rito. And oh my gosh best! Nakalimutan ko sabihin sayo, magkakaibigan pala si Ethan tsaka yung mga tao rito"

What? Ito ba yung sinasabi ni Airon na mga kaibigan niya? Bakit sa pagkukwento ni Cherry parang napakarami naman nila?

"Wait kasama mo si Ethan ngayon?"

"Yeah, siya nga ang nagsundo sa akin sa apartment ko. Nakakakilig best. Parang nakabingwit rin ako ng mayamang afam" tumawa pa ito kaya naman napangiwi na lang ako.

Ang babaeng ito talaga kahit kailan. Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa.

Natigil ang pakikipag usap ko kay Cherry sa cellphone ng makarinig ako ng katok sa pintuan.

"Pasok" sabi ko pa rito.

"Cherry sige mamaya na lang. Paalis na kami. Bye"

Hindi ko na ito pinagsalita pa at pinatay ko na ang tawag, sakto namang pumasok si Joy na naka dress at naiilang na ngumiti.

She looks pretty in her white above the knee dress with her black sandals.

"Bakit? Aalis na ba tayo?"

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang aking bag at nilagay roon ang cellphone ko.

"Oo paalis na raw tayo, pinapatawag ka na rin ni Sir Airon eh"

Ngumiti ako rito at tumango. On our way pababa ay tahimik lang na nakasunod sa akin si Joy na pinagtaka ko. Is she also nervous?

"Hey anong problema?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. She looked at me and smile a little.

"Ano kasi...naiilang ako tawagin ka sa pangalan mo. Nasanay ako sa Ma'am Nelle lang po, tsaka ninang talaga ako ni Xhaito?"

Natawa naman ako sa sinabi nito. So iyon pala ang iniisip nito.

"Huwag ka na mailang. Parang hindi naman tayo magka close niyan. Isa pa kinuha kitang ninang ni Xhaito kasi bakit hindi? Kaibigan kita and I think Xhaito will need someone like you as his second parent in the future"

"Pero a-ano kasi eh. Wala kasi ako gaanong malaking pangbigay kay Xhaito...kasi naman bigla mo na lamang po—I mean bigla mo na lang sinabi kung kailan paalis na tayo"

Owned by HimOnde histórias criam vida. Descubra agora