Thirty-Six

623 16 2
                                    

Nelle's POV

Matapos mabinyagan si Xhaito na medyo nahirapan pa kaming lahat dahil naiilang raw ito at naglikot pa sa loob ng simbahan.

Ngayon ay nasa bahay na kami at pinapalitan ko ng damit si Xhaito, he don't like to wear his clothes na raw. He want to change, na pinayagan ko naman at halatang hindi na nga ito komportable sa suot niya.

"Mommy ang dami ko pong ninang and ninong. I'm so happy po" wika nito habang nilalagyan ko ng pulbo ang likuran.

Pawisin kasi ang anak ko katulad ko at mabilis ito magkaubo kung matutuyuan, kaya hanggat maaari ay parati itong may tuwalya sa likuran.

"I'm glad you're happy anak. Si ninong Ethan ba ang favorite mo?" tanong ko pa rito at sinuklay ang may kahabaang buhok nito.

Hindi ko alam but I find it cute and attractive at the same time kapag mahaba ang buhok ng anak ko, black na black iyon at may pagkakulot ng bahagya kaya naman natutuwa akong pahabain iyon kahit hanggang balikat niya lamang. Kayanga hindi na ako nagtataka pa kung minsan ay napapagkamalan na babae ang anak ko, maybe there's this feeling inside of me na hinihiling na sana naging babae ang anak ko. For sure, maganda ito dahil maganda naman ang genes nila Airon.

Umiling naman ito at humarap sa akin ng nakangiti. Napangiti rin naman ako. Kitang-kita gaano kasaya ang anak ko ngayon.

"I can't decide po mommy. Lahat po sila favorite ko, pwede po ba iyon?"

Natawa naman akong tumango.

"Oo naman anak. Hala sige na tara na sa baba at baka hinahanap kana ng mga bisita mo"

Ngumiti naman ito na tumango at kumapit pa sa aking kamay. I put down the comb in the side table of our bed at naglakad na papalabas, ng bigla naman namin makasalubong ang daddy nito na mukhang papunta rin sa amin.

"Oh bakit andito ka? Paano ang mga bisita?" tanong ko pa rito ng makalapit.

Kinarga naman nito agad si Xhaito na lalong napangiti na ikinailing ko na lamang. He really like being lift up by his father.

"I was looking for you and our son, besides it's just them. Hayaan mo sila"

Napailing na lang ako dahil ganito naman na talaga siya, since then kaya naman inaya ko na lang ito na bumaba na. Sakto naman na pagkababa namin ng hagdan ay nakita ko si Joy na mukhang kami rin ang hinahanap.

Mukhang marami ang naghahanap sa aming mag ina ngayon ah?

"Nelle!" lumapit pa ito at nakita ko agad ang hawak niya.

It's a gift for Xhaito.

"Ano...nahihiya kasi ako na wala akong regalo kahit na biglaan pa. Kaya heto nagbili ako ng mabilis at binalot ko. Para ito sa iyo Xhaito" inabot nito ang regalo niya sa anak namin na halatang hindi makapaniwala.

"For real? Akin po talaga ito?"

Tumango naman si Joy at napakamot pa sa ulo nito na animo ay makati.

"Oo sa iyo yan. Basta pagpasensyahan mo na lamang kung hindi ganun kamahal ah? Biglaan kasi eh"

"Hey. Di naman kailangan ni Xhaito ng mamahalin. Marami na siya nun" sabat ko pa rito pero ngumiti lang ito at nagpatuloy ulit.

"Basta next time mas maganda na riyan. Pag iipunan ko"

I looked at my son at halatang napakunot pa ang noo nito na nagpapahiwatig na may hindi ito naiintindihan or nagugustuhan marinig. Ganito siya parati.

"Ok lang po ninang. Tulad po ng sabi ng mommy I don't need those, marami na po ako noon. Right mom and dad?"

Owned by HimWo Geschichten leben. Entdecke jetzt