Nine

1.5K 44 0
                                    

Nelle's POV

I looked at everyone of us na nasa loob ngayon ng isang malaking opisina na minsan lang gamitin, dahil sabi nga raw gagamitin lang raw ito kapag may malaking announcement or meeting na kinakailangan ang lahat.

Hindi naman sya sikip hindi rin naman maluwag, sakto lang para sa aming lahat pero parang mukha kaming sardinas dito sa dami eh.

Kinulbit ko ang katabi ko pero dedma walang response, kaya kinulbit ko ulit ito ng dalawang beses pa. Ng aking paglingon ay nakasimangot na ito sakin,  busy pala sya sa pag cellphone at nagalit pa sa akin dahil nadistract raw ayun natalo raw sya sa nilalaro nya.

"Bakit ba kasi? Ayan nawalan tuloy ako ng isang star, hirap pa mandin kunin nun eh tas sa isang iglap lang nawala dahil sa pagkulbit mo ng ilang beses"

"Sorry na I didn't know alright? So ayun nga, di ka ba naiinip? It's already nine in a morning and yet ang magaling nating boss ay wala pa dito, sya nag set ng meeting na ito and yet late"

Bumuntong hiningi ito at itinabi ang cellphone nya tsaka mas lumapit sakin.

"Well yeah a little bit, pero what can we do? Kabilin-bilinan satin ng head department na wag aalis not unless sabihin satin because this meeting is important nga raw"

"Ang unfair talaga ng mundo ano? Basta talaga mapera ka makapangyarihan ka eh, you can do whatever you want and get anything you want without putting an effort to get it"

"Agree girl, pero hayaan na natin yun. Ang pag usapan natin ay paano naging tatay ng anak mo si sir Estevan? Kaloka ang gulat ko dun ah grabe" at tumawa pa ito at halatang excited sa maririnig na kwento.

"Do I need to answer that literally?" sabi ko pa ng nakangiwi at I can't imagine myself mag kukwento ng ganitong bagay with someone na private naman dapat, besides I don't want them to know my past.

Tumawa ito at napalakas ng kaunti kaya naman napatingin ang ilan sa amin pero nag peace sign lang si Cherry.

"Gaga ka di naman yun eh, pero ikaw pwede mo naman ikuwento eh. Willing naman ako makinig sayo sa bagay na yan" at tumawa pa ito pagkatapos kaya nasapok ko ito ng bahagya.

"Baliw ka talaga Cherry, I won't say a thing about that besides I don't want to talk about it eh. I don't want to say any information about my past, it's traumatic for me so sorry" and I just smiled a little.

She just looked at me, I know she pity me for what I have said. And after awhile she smiles at me and hold my hand.

"Don't worry it's ok, there's no need for you to say sorry. Basta if you need someone to talk to I'm just always one call away ok? And I'm proud of you how you manage to raise your child on your own. Women's power! Pero grabe talaga ang gwapo ng anak mo ah"

Napangiti ako ng wala sa oras, sana lahat ganitong tao katulad ni Cherry na hindi ka huhusgahan at susuportahan ka sa abot ng kaya nila. I am really grateful I met her and befriend with her.

"Thank you girl, may pinagmanahan kaya gwapo" at tumawa pa ako at sya din.

"So aminado ka naman palang gwapo si father of your child eh?"

I just shrugged and nodded, kahit saan naman kasing anggulo tingnan gwapo talaga ang lalaking iyon. Kayanga pati ako napasama sa collection nya, at kitang-kita sa anak ko gaano kaganda ang genes nito.

"Sana ganan din maging anak ko, kasing gwapo ng anak mo. Hay nako gusto ko rin ng love life like yours. Mala teleserye eh. Saan ba nakakahanap ng gwapong mayaman ah?"

"Baliw ka you wouldn't like how it ended, huwag ka ng gumaya sa akin na madaling malinlang. I am pretty sure makakahanap ka din ng para sayo, yung sayo talaga. Pag dumating araw na iyon at ikakasal kana, abay ako at ang anak ko ah?" at tumawa pa kami pareho dahil sa sinabi ko.

Owned by HimWhere stories live. Discover now