Chapter 34

3 1 0
                                    

C H A P T E R 3 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Halos hindi na maihakbang ni Rus ng maayos ang binti niya dahil sa nararamdaman na kaba. Lahat ng makakaya niya ay sinusubukan niya na maayos na makakaakyat sila ng bahay nila.

"Anong ginagawa natin dito? Kala ko ihahatid mo lang ako sa bahay?" tanong ni Kae habang naglalakad papunta sa sala nila.

Akmang uupo na ito sa sofa ng mabilis niyang hinawakan ang balikat nito at marahang tinulak papunta sa kwarto niya.

"Punta ka sa kwarto ko."

Kahit na nagtataka ay sinunod niya na lamang si Rus. Habang si Rus ay nagmamadali niyang kinuha ang bagay na binuo niya at pinagpuyatan ng ilang araw. Ng makitang nakabukas na ang pintuan ng kwarto niya, mabilis na siyang lumapit doon.

At sa inaasahan, nakatulala lamang si Kae sa nakikita niya habang naka awang ang mga labi.

He chuckled softly and gently kissed Kae's hand. He went in front of it and smiled as he gave the colorful tulip crochet bouquet to Kae, who was merely surprised by what happened.

"Ano titig ka lang d'yan, love? Nakakangalay na," natatawang sabi ni Rus.

Sa wakas, nakabalik na sa reyalidad. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay knuha niya ang hawak ni Rus. Hindi makapaniwalang titig na titig siya roon.

Kahit na paulit-ulit niya ng nakikita ang tulip crochet ni Rus, dahil kahit na sila na ay binibigyan pa rin siya ni Rus. Hinding-hindi siya magsasawa dito.

Puno ng emosyon niyang tinignan si Rus ngunit wala na ito sa harapan niya. Nakita niya na lamang na ito na nakaluhod sa harapan niya.

Napasinghap na lamang siya ng bigla na lang may nilabas ito na maliit na kahon. Nagsimulang manubig ang mga mata niya ng magtama ang paningin nila.

"I wasn't able to propose to you properly, so now I'm going to do what I really should have done from the beginning."

Rus gently takes Kae's hand. "The first time I saw you, I could clearly see that you would be my nonstop enemy, but I'm wrong. I get fooled by my own words. You're my biggest what if, love, and enemy. It's so cringe to hear this, but I can't live without my greatest what-if, love, and enemy. So I'm asking Kaelie Ivy Mojica, Can you be my girlfriend?"

Hindi na alam ni Kae kung ano ang uunahin niyang maramdaman, kung iiyak ba o matutuwa. Tinakpan niya ang bibig niya ng tuluyan ng lumabas ang luha niya.

Rus constantly reminds her that she is a special girl who deserves to be treated like a princess without invalidating her feelings or expecting anything in return.

Agad siyang tumango. "Yes, love."

Halos mapunit na ang labi ni Rus at gamit ang nanginginig na mga kamay at sinuot niya ang singsing na binili niya. Ng matapos ay agad na siyang tumayo at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

Ilang minuto silang nagtagal sa pagyayakapan hanggang sa nangalay na sila.

"Mahal na mahal kita," malambing na bulong ni Kae at mabilis na hinalikan ang pisngi nito.

Naramdaman agad ni Rus ang pagkalat ng init sa buong mukha niya kaya napapikit na lang siya ng mariin at hinalamos ang kamay.

Malakas na natawa si Kae. "Pulang-pula ka, love-"

"Love, stop it." Then he hugged Kae and kissed her head.

"Ito na, titigil na."

Kumunot ang noo niya ng biglang umalis si Rus at bumalik na may paper bag na dala.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now