Chapter 11

11 1 0
                                    

C H A P T E R 1 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Pwede kang pumasok sa coffee shop ng tito ko. Naghahanap siya ng mga tauhan ngayon ay sigurado akong malaki ang sahod mo doon," sabi ni Rus at sinandal ang ulo sa kama niya.

Napa awang naman ang labi ni Kae. "Talaga!?"

Tumango siya. "Yes."

"Salamat daga!" malakas niyang sabi habang nakangiti ng malawak.

Nakahinga ng maluwag si Kae ng makita ang repleksyon ni Rus na kumunot ang noo niya. Sa wakas ay nakabalik na ang dating Rus.

Masyado siyang natakot kanina sa itsura ni Rus na para bang handa na siyang pumatay.

"Daga!?" tanong niya at humarap sakaniya.

Nakangising tumango si Kae at pinag krus ang mga braso at hita. "Bingi ka? Ang unfair naman kung tinatawag mo kong frog tapos hindi mo ko papayagan na tatawaging daga?"

He chuckled softly. "Really? We give endearment to each other?"

"You're the one who started this," she said, while her brows were up.

"But you're the one who claims me as your daga. Remember?"

She proudly nooded. "Yes, you're my daga."

"Yours," he winked.

Ng napagtanto ang ginawa at sinabi ni Rus ay bigla na lang siyang namula. Agad siyang nag-iwas ng tingin at pasimpleng hinawakan ang magkabila niyang pisngi na namumula.

Malakas siyang bumuntong hininga at akmang babawiin na ang sinabi niya ng makarinig siya ng pamilyar na sigaw kaya agad siyang napatayo at tumakbo papunta sa labas.

"Kung hindi pa namin mahahanap bahay niyo baka takasan niyo na naman kami," inis na sabi ng ginang at tinanggal ang helmet na suot.

Puno ng kaseryosohan na tinignan niya ang mag-asawa. "Ano pa bang kailangan niyo?"

"Ang gusto ko bayaran mo-"

"Babayaran ko. Bigyan mo ko ng 2 buwan-"

"Dalawang buwan!? Mamatay na kami kakahintay d'yan sa malaking perang inutang ng nanay mo sa'am-"

"Edi mamatay kayo," sabay na sabi nila ni Rus na sumulpot na lamang sa tabi niya.

"Wala ka talagang galang-"

"Oo na wala talaga akong galang."

Nilabas niya ang phone niya at nagsimulang viduahan ang sarili. "Nangangako ako na sa pagkatapos ng dalawang buwan ay maiaabot ko sainyo ang 30k. At kapag hindi ako naka abot ng dalawang buwan, ako mismo ang magdadala sa sarili ko sa DSWD."

Agad namang tumaas ang kilay ng asawa nito. "Si Kaylan ang mapupunta doon, hindi ikaw-"

"Kapag sinabi kong ako ang mapupunta doon, ako. Walang kinalaman dito ang kapatid ko. At sa oras na sapilitan niyong kinuha ang kuya ko, itong video na 'to ang magiging ebidensya," malamig niyang sabi dahilan para sabay na napa irap ang mag-asawa.

"Siguraduhin mo na maibibigay mo sa'amin 'yan sa loob ng 2 months."

Umirap siya saka pinatay na ang pag video. "Oo na. Umalis na kayo at nabwi-bwisit ako sa mukha niyo."

"Hindi ako makapaniwala na gan'yan kabastos ang anak ng dati kong kaibigan. Mabuti na lang at hindi na kami magkaibigan ngayon-"

"Hindi rin ako makapniwala na handa kayong manira ng isang buhay para lang sa 30k na utang."

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now