Chapter 14

2 1 0
                                    

C H A P T E R 1 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Pagod na pumasok si Kae sa kwarto nila at agad na hinulog ang sahod sa ipunan niya. Agad na kumunot ang noo niya ng mapansin parang mas rumami ang isang libo sa loob ng alkansiya niya, kaya napag desisyunan niya na bilangin iyon.

Mas lalong kumunot ang noo niya ng naging 15k na ang laman 'nun, imbis na dapat ang laman 'nun ay 10k lamang. Malakas siyang bumuntong hininga at agad binalik ang pera.

Nagtungo siya sa kwarto ng tita niya at marahang kumatok sa pintuan nito. Sigurado siya na may kinalaman doon ang tita niya.

"Pasok."

Agad siyang pumasok ng naka krus ang mga braso. "Tita, kayo po ba naglalagay doon ng pera sa alkansya ko?"

Agad namang kumunot ang noo nito at napaayos ng upo. "What are you saying? Pinagbibintangan mo ba ko?"

Tumango siya. "Opo, pinagbibintangan kita."

Napangiwi siya saka napailing. "Hindi ako ang naglalagay doon, Kae. Pinag-usapan na nating hindi ako tutulong sa'yo, at alam mong sumsunod ako sa usapan."

Malakas siyang bumuntong hininga saka tumango. "Sige po. Pasensya na po sa abala."

Hindi niya na hinintay pa itong magsalita at bumalik na sa kwarto nila. Naghilamos na muna siya ng katawan at humiga na sa higaan niya.

Akmang pipikit na siya ng tumunog ang phone niya kaya agad niya itong kinuha.

Rus: Gising ka pa?

Agad naman siyang napairap at sumandal sa headboard.

Kae: Tulog pa ko

Rus: Parang tanga. Ayos na sagot kasi

Umirap siya saka pinag krus ang mga hita.

Kae: Maayos naman sagot ko. Ikaw lang hindi

Rus: May sasabihin ako sa'yo

Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib niya sa kaba. Marin siyang napapikit at kinalma ang sarili dahil hindi niya na talaga maintindihan ang sarili.

Naramdaman niya na ito noon kaya hindi siya tanga upang malaman kung saan patungo ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit mas malala ang nararamdaman niya ngayon kaysa noon.

Hindi na pwedeng mangyari ang noon kaya lahat ay gagawin niya para hindi na maulit iyon.

Kae: Ano ba 'yun?

Para siyang tanga na klinakagat ang sariling daliri habang nakatitig sa phone niya. Ng mag seen si Rus sa reply niya ay halos maligo na siya sa pawis. At para siyang binuhusan ang malamig na tubig ng makitang typing na ito.

Malakas siyang nag buga ng hangin upang mapakalma ang sarili. Para ng lalabas ang puso niya sa dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog 'nun.

Rus: Ang pangit mo dito

Ar halos umusok na ang ilong ni Kae ng makitang nag send ito ng stolen pic niya ng nakanganga at halata ang inis sa mukha niya.

Hindi na niya nireplyan ang binata at agad na itong blinock sa instagram. Natulog na lang siya ngunit plinano niya na muna ang masama niyang balak para sa binata bukas.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Ay sorry, sadya," nakangisi niyang sabi ng matapunan niya ng konting kape ang puting polo ng binata.,

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant