Chapter 3

18 2 0
                                    

C H A P T E R 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Bakit gan'yan mukha mo?" tanong ng tita niya habang nakahiga ito sa sofa.

Malakas siyang bumuntong hininga at sinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. "Kilala niyo po ba 'yung katabi nating tindahan?"

Tumango ito at kumain ng chips. "Oo naman. Kaibigan ko ang tatay ni Rus."

"Rus?" kunot-noong tanong niya at umayos ng upo.

Tumango naman ito at sumubo muli ng chips. "Oo, 'yung anak ng kaibigan ko. Hindi pa ba kayo nagkikita? Mag ka edaran lang kayo ng lalaking 'yun."

Napa-awang na lang ang bibig niya dahil sa realisasyon. Rus pala ang pangalan ng kinakagalitan niya na lalaki. Napangiwi na lang siya ng napagtanto ang panget ng pangalan ng binata.

"Nagkita na kami ng bwisit na 'yun," inis niyang sabi at umaktong nasusuka.

Lumabas na naman sa imahe ng panget mukha niya sa isip niya kaya halos gusto niya ng i untog ang ulo sa pader.

"Wag mong sabihing magka-away kayo ng batang 'yun?" manghang tanong nitp kaya mas lalo siyang napangiwi.

"Edi hindi ko po sasabihin," masungit niyang sabi.

Nawawalang ganang pinanood niya lang ang tiya niya na nagpapalakpak na naman sa saya.

"Enemies to lovers kayo-"

"Tita, tama na po 'yang kahibangan niyo. Hindi nagkakatotoo lahat ng binabasa niyong libro," nakangiwi niyang sabi.

Halos pagtaasan siya ng balahibo ng marinig ang lovers na sinabi ng tiya kaya napayakap na lang siya sa sarili.

"Anong hindi totoo!? Nagkakatotoo 'yun! Mas lalo na 'yung enemies to lovers! At siguradong akong mangyayari rin sa inyo 'yu-"

"Tita pangkilabutan ka 'nga! Tama na 'yung isang lalaking gagong pinapasok ko sa buhay ko. Ayoko na ulit ng sakit sa ulo," inis niyang sabi at niyakap ang dalawang tuhod.

"Bata ka pa kasi masyado iha noong pinapasok mo ang gagomg 'yun sa buhay mo. Masyado kang na overwhelm sa pinaparamdam niya sa'yo kaya hindi ka na nag-isip at pinapasok mo na siya agad. Pero ngayon alam mo an ang tama at mali, kaya sigurado ako na mag papasok ka pa rin ng lalaki sa buhay mo-"

"Tita naman babae na ngayon gusto ko," puno ng frustasyon niyang sabi niya kaya mahinang natawa ang tita niya.

"Same," malamya niyang sabi at nakabaluktot pa ang kamay niya.

Hindi niya maiwasang matawa at ginaya rin ang itsura ng tiya. Sabay silang natawa at akmang magsasalita na ang tita niya ng makarinig sila ng malakas na pag bukas ng pinto.

"Kaylan!?" nag-aalalang sigaw ni Kae ng makitang humahagulgol na ito habang nakayakap sa paborito nitong teddy bear.

Tumakbo siya papunta dito at mabilis itong niyakap ng mahigpit. Napangiwi na naman siya ng maramdaman na naman na pinipisat na naman siya ni Kaylan.

"Painumin mo muna siya ng tubig," nag-aalalang sabi ng tiya kaya agad niyang hinawakan ang balikat ng kapatid upang harapin ito.

Ngunit nabigo lang siya dahil ayaw talaga nitong maghiwalay sila ng yakap.

"Tita ayaw niya pong humiwalay sa'akin," nahihirapan niyang sabi kaya malakas itong napabuntong hininga.

"Hayaan na muna natin siyang umiyak ng umiyak sa balikat mo," sabi nito habang hinahaplos ang likod nilang dalawa.

At katulad ng sinabi nito ay hinayaan niya na lang na maubos ang luha nito at kumalma.

Ng maramdaman niya na lumuwag ang pagkahawak nito sa bewang niya ay mabilis niya itong hinarap sakaniya at pinunasan ang basang pisngi nito gamit ang palad niya.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now