Chapter 6

13 1 0
                                    

C H A P T E R 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"I ship you with Kae-"

"Shut up, Irine."

Malakas itong tumawa at tinapik-tapik ang balikat niya.

"I can clearly see your future with Kae-"

"Sasabihin ko kay Yvo na crush mo siya o tatahimik ka d'yan?" inis na pananakot niya kaya agad napa-ayos ng ipo si Irine.

"Who says that I have a crush on Yvo!?" she confusedly asked.

"Edi 'yung mga classmates mo," nakangisi niyang sabi at sumandal sa kunau upuan ni Irine.

Natatawang umiling siya. "Mali naman sila."

Sinulyapan niya ang kaibigan. "Edi sino?"

"Secret."

Hindi niya na pinilit ito at nag kibit-balikat na lang. "Ang swerte ng gagong 'yun."

"Yeah, he's so lucky."

Akmang magsasalita pa siya ng makita niya naka kunot ang mga noo ni Kae habang naglalakad kaya agad siyang napa ayos ng tayo. Akmang sisigaw na siya ng bigla may malakas na umakbay kay Kae kaya muntik na itong masubsob sa lapag.

"Putanginamo naman Yvo!" inis na sigaw ni Kae at walang alinlangan niyang sinuntok ang gilid ng ulo nito.

"Aray ko naman bebe loves!" sigaw nito ng mapalayo na sakaniya si Kae.

Imbis na sagutin siya ni Kae ay inunahan na siya nitong maglakad. Dahilan para magtama ang paningin nila.

Dumating na naman ang kakaibang nararamdaman niya habang naglalaban sila ng titig. Pero bigla na lang nawala ang tingin sakaniya ni Kae ng guluhin na naman siya ni Yvo.

Nagtatagis ang bagang niyang kinuha ang kahoy na nasa gilid lang nila at mabilis na hinagis iyon sa pwesto ni Yvo.

"Rus!" gulat na sigaw ni Irine at agad napatayo sa kinauupuan niya.

Malamig niyang pinanood na mapahiga si Yvo sa lapag. Agad tumakbo palapit sakaniya si Kae habang si Maria naman ang nag check kay YVo.

"Gago anong nangyayari sa'yo!?" gulat na tanong ni Kae habang nakahawak sa magkabilang braso niya.

Bigla namang kumalma ang buong sistema niya at napatingin muli sa mga mata ni Kae. Marahas siyang bumuntong hininga ng bigla na naman siyang hinihipnotismo.

"Tangina sinong gumawa sa'akin 'nun!" galit na sigaw ni Yvo, kaya agad siyang nakakuha ng mga pansin ng estudyante.

"Ako bakit!?" nakangising sabi niya kaya agad nandilim ang paningin ni Yvo at akmang susugod na ng humarang si Kae sa harapan niya.

Agad na tumaas ang kilay ni Rus sa bilis tumakbo ni Kae.

"Tumigil ka Yvo. Baka dagdagan ko sugat mo sa ulo," masungit na sabi ni kae kaya agad namang lumambot ang expression nito.

"Sorry na bebe-"

"Tangina mo," malutong nitong mura at pinakita ang gitnang daliri.

Hindi maiwasang mapangsi ni Rus ng makitang taas noong naglakad palapit sa kanila si Kae. Habang nasa likuran niya si Maria.

"I can't deny that I'm proud of her," he whispered under his breath.

"Tara na bago ako makapag patulog ng tao," inis niyang sabi at inunahan na silang makalabas ng school.

Napangiti na lang siya ng malawak ngunit agad niya ring tinanggal ng makitang biglang lumingon sakaniya si Kae.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ