Chapter 21

1 1 0
                                    

C H A P T E R 2 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Pagod na sinandal ni Kae ang likuran sa upuan at pumikit. Si Rus naman ay agad pumunta sa kinaroroonan ni Kae at marahang minasahe ang balikat.

"Ayos ka pa?" natatawang tanong ni Rus kaya agad naman siyang umiling.

"Mukha ba kong ayos? Ang sakit na ng buong katawan ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit nag volunteer pa ko doon!" inis na sabi nito at sinandal ang ulo sa t'yan ni Rus.

Nakagat na lang ni Rus ang pang-ibabang labi niya dahil bigla na lang may gumalaw na kung ano sa t'yan niya dahil sa simpleng ginawa ni Kae.

Iba na talaga ang epekto sa kanya ni Kae.

"Babalik ka pa ba mamaya?" tanong niya at mahinang tinapik ang ulo ni Kae.

Tinangala siya ni Kae kaya malalim niya itong tinitigan. Nakapikit ang mata nito kaya malaya siyang naililibot ang mata sa buong mukha ni Kae.

"Hindi ko alam. Para na kong papatayin sa init doon," naiiyak na sabi nito kaya hindi niya mapigilan na mahinang panggilan ang pisngi nito.

"Ako na lang magsasabi sa kanila na hindi ka na makakapunta ulit doon."

Agad naman itong umiling at hinawakan ang kamay niyang minamasahe ang balikat ni Kae. "Wag na gago, ako ng bahala."

"If you say so," he shrugged before continuing to massage her shoulders.

Bigla namang umupo sa harapan nila si Irine na naka apron pa at halatang galing sa dumi.

"Nag volunteer ka rin?" natatawang tanong ni Rus kaya agad na tumango si Irine.

"I'm so tired," she cried.

Napailing na lang si Rus ng makitang humiga ito sa upuan. May mga visitors sila ngayon mula sa iba't-ibang school kaya marami ang estudyante ang nagbulontaryo na tumulong sa mga nag trabaho sa school nila.

"Ang daming gwapong lumilibot here," nakangiting sbai ni Maria at umupo sa tabi ni Irine na nakahiga pa rin.

Kumunot ang noo ni Rus ng bigla na lang umayos ng upo si Kae at pinag krus ang mga hita. "Saan?"

Agad na tumaas ang kilay ni Rus at mabilis na umupo sa harapan ni Kae. "Nandito."

Nakangiwing tinignan naman siya ni Kae. "Tanong ko kung nasaan ang gwapo. Hindi ko hinahanap 'yung taong daga."

Nakangising tinukod ni Rus ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng upuan ni Kae at pinagpantay ang mukha nila. Mas lalong lumawak ang pag ngisi niya ng makitang napatitig ito sakaniya at napalunok.

"Talaga? Hindi ako gwapo?"

Umiwas agad ito ng tingin sakaniya. "H-Hindi ah!"

Marahang hinawakan naman ni Rus ang baba ni Kae at pinaharap muli sakaniya. "Sabihin mo sa akin 'yan ng nakatingin diretso sa mata ko."

Bigla na lang tumapang ang mga mata ni Kae. "Hindi ka gwapo-"

"Isa pa," madiin niyang bulong at pinagdikit ang tungkil ng ilong nila.

Nanlaki ang mata ni Kaer ngunit agad din nawala at napalitan muli ng tapang. "Ang sabi ko hindi ka gwapo."

Rus softly chuckled. "What a feisty woman I have."

"Lalayo ka sa'akin oh papaduguin ko ilong mo?" masungit na tanong nito kaya mas lalo siyang napangisi.

"Sige 'nga, gawin mo-"

Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Rus ng bigla na lang may sumabunot sakaniya kaya agad siyang napatayo.

"Aray ko!" naiiyak na sigaw niya at agad hinawakan ang kamay ni Kae na nakasabunot sakaniya.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now