Chapter 4

14 1 0
                                    

C H A P T E R 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Papikit ng nakapasok si Rus sa bahay nila habang hawak ang sewing kit niya. Hindi niya na naitabi iyon sa bag dahil sa sobrang pagod.

"Nandito na po ako," matamlay niyang bati sa magulang niya na nanonood ng tv.

Akmang dederetsyo na siya sa kwarto niya ng magsalita ang nanay niya.

"Nabalitaan ko na itutuloy mo 'yang kahibangan mo, Rus," malamig na sabi nito.

Malakas na siyang bumuntong hininga at akmang tutuloy na sa kwarto niya ng marinig niya ang marahas na pag tayo nito.

"Pinagbigyan na kita ngayon na ituloy mo ang pagiging dressmaking mo pero 'yung balak mo na ituloy 'yan hanggang sa kolehiyo mo ay hinding-hindi ko na hahayaan pa!"

"Cherry," pigil naman sakaniya ng asawa at tumayo katabi niya.

Mariin siyang napapikit upang pakalmahin ang sarili at malamig na humarap sa kanilang dalawa.

"Hindi lang hanggang kolehiyo ko pag-aaralan ang mundo ng pagtatahi, Ma. Mawalang galang na ho ngunit hinding-hindi ko po kayo hahayaan na tutulan ito. Ayokong maging chef-"

"Magiging chef ka kahit anong sabihin mo, Rus. At walang makakapigil sa'akin nino man na gawin kang chef," puno ng determinasyon niyang sabi at tinalikuran na silang mag tatay.

Ang kaninang pagod na nararamdaman ay mas lalo pang nadagdagan.

"Anak-"

"Pagod po ako ngayon, Pa. Pahinga po muna ako," malamig niyang sabi at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya.

Pagod na tinalon niya ang pagitan ng kama niya at agad na pumikit. Noon pa man ay gusto na ng nanay niya na kunin ang cookery at maging chef balang araw ngunit hindi niya iyon kinuha at wala na siyang balak na kunin ang kursong iyon dahil ang mas gusto niya ay pagtatahi.

Noon bata lamang siya ay tinuruan na siya ng lola niya na mag gantsilyo. Kaya doon ay nahilig na siya at gusto niya ng maging mananahi ng mga damit at pangarap niya na maisuot iyon ng sikat na tao.

Pero noong nalaman ng nanay niya na iyon ang gusto niya ay halos nagwala na ito na parang bata at pinipilit sakaniya na maging chef dahil mas maganda raw ang kikitain niya doon at isa pa ay para masundan niya ito sa yapak.

Halos lahat ng kadugo niya sa mother side ay lahat ay chef at nag-aaral ng pag luluto habang sa father side ay gano'n din. Kaya ng malaman ng lahat na gusto niyang maging fashion designer sa future ay lahat sila ay na disappoint sakaniya. Bukod lang sa tatay niya na tanggap pa rin siya ng buong-buo.

Kaya lubos ang pasasalamat niya sa kaniyang tatay dahil kung wala ito, ay baka mawala na rin siya sa mundo.

"Anak, huwag mo na lang pansinin ang sinabi sa'yo ng Mama mo. Wala na tayong magagawa pa sakaniya kaya hayaan mo na lang siya. Wag kang mag-aalala at gagawan ko ng paraan para hindi matuloy ang gusto niya. Dadalahan na lang kita ng pagkain d'yan mamaya," marahang sabi ng tatay niya kaya hindi niya maiwasang mapangiti.

"Sige po Pa. Salamat."

Isang katok na lang ang isinagot nito bago tuluyang umalis. Malakas siyang bumuntong hininga at akmang pipikit na ng biglang tumunog ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Tinatamad niyang kinuha iyon at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Nasaan ka na!? Nandito na ko sa harapan ng tindahan nila Kae," sabi ni Maria kaya agad siyang napa upo.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang siyang nabuhayan ng loob at nabalik na ang lahat ng lakas niya sa isang iglap.

"Bakit ang bilis mo naman? Baka hindi pa nakauwi 'yung kapatid niya?" Tumayo siya at mabilis na kumuha ng magandang damit.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now