Chapter 10

13 1 0
                                    

C H A P T E R 1 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nababagot na tumingin lang si Rus sa maaliwalas na ulap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ang sinabi sakaniya ni Kae noong nasa karaoke room sila.

Naramdaman na naman ni Rus ang pagkalat ng init sa mukha kaya agad niyang kinuha ang unan na nasa tabi at doon dinukdok ang mukha.

"Oh anak bakit nagkaganyan ka?"

Agad napa angat ng tingin si Rus ng marinig ang tatay niya. Pinilit niya ang sarili na kumalma muna bago tuluyang ipakita ang mukha sa tatay.

"Wala po, may naalala lang ako," pagpapalusot ng binata at agad na nilantakan ang chips na kanina niya pa kinakain.

"Nga pala, nakilala mo na ba 'yung pamangkin ni Kirnea, 'yung kapitbahay natin?" tanong ng tatay niya habang nag babasa ng dyaryo.

Agad tumango si Rus. "Nakaka hawa 'yung kabaliwan ni Kae."

"Kae? 'Yun ba ang pangalan ng babaeng pamangkin ni Kirnea?"

"Yes."

"Hindi ko maiwasang maawa sa kapatid niyang lalaki. Masyado siyang inosente para lumaki sa mundong puno ng panghuhusga."

Agad tumango si Rus at umayos ng upo. "Naalala niyo pa po ba na balak kong simulan 'yung clothing line ko?"

"Oo naman. Ano ng sunod mong balak?"

Malakas bumuntong hininga si Rus. Bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding hiya kaya pinilit niya ang sarili na magkalakas ng loob.

Why the fuck is he suddenly feel shy!?

"I-I made Kae my model," Rus whispered while scratching his head.

Puno ng pagkamangha ang mata ng kaniyang tatay habang naka awang ang mga labi na nakatitig sakaniya. "Totoo ba 'tong nakikita ko?"

Puno ng inis ni Rus na tinignan ang tatay. "Pa naman!"

Nakangising pinag krus ng kaharap ang braso. "Bakit si Kae?"

"B-Because I need a girl-"

"But Irene and Maria are also girls."

"But Kae is perfect for me."

Napuno ng katahimikan ang pagitan nila ngunit agad din naputol dahil malakas na tumawa ang tatay ng binata kaya hindi maiwasang ni Rus mainis lalo. Halatang-halata na iniinis at inaasar siya ng sariling tatay.

"Sinasabi mo bang hindi kami perfect?" taas kilay na tanong ni Maria at tumabi sa tatay niya.

"No one is perfect," Rus said, and rolled his eyes.

"But you said that Kae is perfect-"

"Kae is perfect for me, Maria. I didn't say that Kae is a perfect person," Rus said with a serious tone. Unlike earlier, he's joking around.

Napanguso si Maria. "Nag j-joke lang ako eh. Pero anong sabi mo!?"

Kumunot ang noo ni Rus at tinaasan ng kilay si Maria na nakangisi na sakaniya.

"Anong sabi?"

"Kae is perfect for me. Na in love ka na sa biggest enemy mo!?" nakangising sabi ni Maria at hinagis ang unan sakaniya.

Napangiwi na lang si Rus at agad binato pabalik ang unan sakaniya. "Tanga. Ang tinutukoy ko perfect siya for my clothing line."

"Aysus, dahilan mo bulok."

Napailing iling na lang ang tatay niya. "Wag kang masyadong in denial, anak. Ayokong pangunahan ang nararamdaman mo ngunit nababasa ko na sa'yo kung ano ang totoo-"

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now