Chapter 26

3 1 0
                                    

C H A P T E R 2 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Hindi ka pa rin niya sinasagot?" nag-alalang bulong ni Maria na nasa tabi niya na.

Malakas siyang bumuntong hininga saka tumango. Nanatili siyang nakatitig sa phone niya. Simula kahapon ng gabi ay hindi na sumasagot si Kae sa mga messages niya.

"Mamaya puntahan mo na lang. Nand'yan lang naman siya sa kabilang room."

Tumango na lang siya sa sinabi ng pinsan at tinago na ang phone ng makita niyang papasok na ang sunod nilang guro. Ang isip niya ay lumilipad pa rin kay Kae.

Hindi sila nagkasabay sa pagpasok dahil ng sunduin niya ang dalaga, wala na ito sa bahay nila.

Rus can feel that Kae has a big problem that she doesn't want everyone to know about. She doesn't want to ask for help, but Rus insists.

Malakas siyang bumuntong hininga at nag-angat ng tingin sa guro na nasa harapan niya.

"Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon. Alam niyo ba na may istudyante sa kabila na bigla na lang umalis habang nag discuss ako!" inis na sabi nito kaya kumunot ang noo ni Rus.

Bigla na lang nagkatinginan ang pinsan ng may mamuong ideya sa utak nila.

"Hindi kaya," hindi makapaniwalang bulong ni Maria.

Malakas siyang bumuntong hininga at agad na nagtaas ng kamay.

"Si Kaelie po ba ang tinutukoy niyo?"

Agad na nanlaki ang mata nito at malakas na pumalakpak. "Oo! Siya 'nga! Gusto ko na siyang ibagsak ngunit paiyak na siya ng makita ko bago siya tumakbo. Baka may nangyari kaya kailangan ko siyang kausapin bukas."

Mariin na nakagat ni Rus ang labi at akmang tatayo na ng hawakan siya ni Maria sa braso.

"Wag ka ng sumunod, Rus," madiin na bulong ni Maria.

Puno ng kaseryosohan niyang tinapunan ng tingin ang pinsan. "Kailangan niya ng makakasama-"

"Pero kapag nalaman niyang nag cutting ka, ma gu-guilty pa siya."

Para iyong malaking bato na humampas sa ulo ni Rus. Unti-unti siyang napasandal na lamang sa upuan at hinayaan ang sarili na napapikit.

Marami ng tumatakbo sa isip niya na dahilan at senaryo ngunit pinilit niya ang sarili na ituon muna ang pokus sa guro na nasa harapan.

May punto ang sinabi ng pinsan dahil baka mas lalo pa siyang makadagdag sa stress ni Kae. Hahayaan niya na muna si Kae ngunit sisiguraduhin niyang mararamdaman pa rin ng dalaga na handa siya lagi kung kailangan siya nito.

Kahit maubos man siya wala na siyang pake.

Ng sa wakas ay natapos na rin ang klase nila ay agad na niyang tinawagan ang numero ng dalaga.

Kagat-kagat niya ang daliri habang pinakinggan niya ang pag ring ng phone ni Kae.

Tumalon ang puso niya ng marinig na sinagot ni Kae ang tawag.

"Hello Kae? Where are you? Bakit-"

"R-Rus alam m-mo ba kung p-paano pumunta s-sa a-airport," nanginginig na tanong nito kaya mariin na nakagat ni Rus ang loob ng pisngi niya.

He's right, something is wrong.

"Hindi ko alam, Kae. Nasaan ka at sasabihin ko kay tito na ihatid ka doon." Tumingin siya sa labas ng bintana.

Madilim ang langit at sigurado siya na babagsak na ang ulan anumang oras. Malapit na rin ang oras ng uwian nila, isang klase na lang.

"R-Rus n-nasa L-Laurent Hospital a-ako."

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now