Chapter 32

3 1 0
                                    

C H A P T E R 3 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"What do you mean?"

Hinaplos muli ni Rus ang buhok ni Kae. "Noong mga bata pa lamang tayo, hindi ba't tumtakbo ka. Wala kang pake kahit anong mangyari basta ang tanging nasa isip mo lamang ay makapag laro ka. At kapag nadapa ka, doon mo mare-realized na sana naging maingat ka na lang, para sana hindi ka na nagkasugat at nagkapeklat pa."

Rus watched the clear clouds in the sky. "When you're already hurt and broken, you'll realize the things you should have realized in the first place."

Napangiwi na lang si Kae at mahinang natawa ng may mapagtanto. "Oo 'nga pala. Bakit nakalimutan ko na kung kailan nasaktan ako, doon lang ako tuluyang natauhan? May mga taong kailangan talagang masaktan para matauhan, pero hindi ibig sabihin 'nun ay deserve na nila 'yung naranasan nila."

He gently kissed Kae's hand. "That's my girl."

"Hoy, bwisit kayong dalawa, wag 'nga kayong maglandian sa harapan ko. Matuto kayong rumespeto sa single," inis na sabi ni Maria kaya sabay silang tumawa.

Pinakita ni Rus ang dila niya, animo'y inaasar siya. "Mainggit ka lang."

Sinamaan sila ng tingin ni Maria kaya mas lalong lumakas ng tawa ng dalawa.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Kayo bang dalawa, may relasyon na-"

"Meron, kaya umalis ka d'yan at baka masampal kita," putol ni Rus sa sinasabi ni Yvo at mahinang tinulak paalis sa harapan niya.

Agad niya ng hinila si Kae na nasa liikuran ni Yvo at inakbayan ito. "Saan mo gusto pumunta?"

"Sa National book store," nakangiting sagot ni Kae at inayos ang braso niya nasa balikat niya.

"Anong gagawin natin sa National book store?" Kinuha niya ang bag ni Kae saka binuhat iyon paharap sa katawan niya.

Hindi niya maiwasang mapangisi ng malawak ng makita niya mula sa gilid ng mata niya ang nakatulalalang Yvo. Halatang hindi makapaniwala na may boyfriend na ang babaeng gusto niya dati pa.

Hindi naman manhid si Rus upang hindi iyon mapansin, ay mas lalong alam niyang hindi rin manhid si Kae. Sadyang binabaliwala lang ni Kae ang nararamdaman ni Yvo.

"Bibili ako ng cook book, doon na lang ako maghahanap ng bagong ma present sa teacher kong maarte."

Mahinang natawa si Rus at ginulo ang buhok ni Kae. "Sumbong kita sa teacher mo ah."

"Sige sumbong mo at nanakawin ko 'yung sewing kit mo sa kwarto para hindi mo magawa 'yung project mo."

"Hindi mo naman abot kung nasaan nakalagay 'yun."

Proud na tinignan siya ni Kae. "Duh, mautak akong tao."

"Oo na lang, mautak kong girlfriend," marahan niyang sabi at hinalikan ang ulo niya.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Walang ibang nagawa si Rus kung hindi sundan at alalayan lamang si Kae habang nasa National book store. Pa minsan-minsan ay inaaway pa siya ni Kae dahil mali-mali naman daw 'yung tinuturo niya na cook book.

Hanggang sa makahanap na sila ng nagustuhan ni Kae. Mabilis na rin silang nakapag bayad dahil wala naman masyadong tao.

"Saan mo gustong kumain? Libre ko."

"Sa Greenwich na lang."

"Lasagna again?"

Kae excitedly nodded her head. "Yes."

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now