Chapter 33

2 1 0
                                    

C H A P T E R 3 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mabilis na tumayo si Rus at agad na tumayo sa likuran ni Kae. Marahan niyang pinatong ang dalawang kamay sa balikat nito at mahinang pinisil iyon.

"Dilat na, Love."

Naramdaman niya ang malakas na pag buntong hininga nito bago dahan-dahang buksan ang mga mata.

"Mas lalo kang gumanda, love," marahan niyang sabi habang hinahaplos ang maikli niyang buhok.

Habang si Kae naman ay nakatulala lamang sa sarili. Sa katunayan ay hindi niya na biglang nakilala ang sarili, hindi siya sanay na makitang maikli na lang ang buhok niya.

Gamit ang nanginginig na mga kamay ay hinaplos niya ang hanggang ilalim ng balikat niyang buhok.

"Hindi ka sanay 'no?" natatawang tanong niya kaya agad na tumango si Kae.

"But it's suitable for me, right?"

"Of course, any haircut will be perfect for you." He gently kissed her head.

Hindi na umimik si Kae at nagbayad na sila bago umalis. Magka siklop ang mga kamay nila habang naglalakad at si Rus lamang ang nag sasalita. Pa minsan-minsan ay natatawa si Kae at nakikipag-asaran kay Rus.

"Oh, bakit ka tumigil?" tanong ni Kae ng bigla na lamang tumigil si Rus sa paglalakad.

Ng tignan niya ito ay nakatanaw ito sa kumpulan na tao.

"Dito ka lang, may bibilihin lang ako. Wag kang aalis d'yan." At nagmamadaling tumakbo siya patawid.

Nakangusong gumilid na lamang si Kae at sinusubukang tanawin si Rus mula sa kumpulan na mga tao, ngunit hindi niya na masilayan ang binata. Tumingala na lamang siya sa maliwalas na ulap.

Agad niyang nilabas ang phone niya saka tinignan ang sarili. Napangiti na lamang siya ng malawak ng sa wakas, gumanda na rin sa paningin niya ang bagong gupit.

Layer hair cut ang pinagawa niya at mabuti na lamang at bumagay sa hugis ng mukha niya.

"Tada!"

Agad na binaba niya ang phone niya ng may pamilyar na boses ang nagsalita sa harapan niya. Namilog ang mata niya ng makitang may hawak itong dalawang headband.

"Nakipagsiksikan ka para lang mabili 'yan!?" natatawa niyang sabi kaya napanguso si Rus.

"Oo. Bakit ayaw mo ba, love? Ibabalik ko na lang-"

"Gusto syempre!" At agad niyang inagaw ang headband na may design ng tenga ng daga at siya na mismo ang nagsuot sa ulo ni Rus.

Kailangtan niya pang tumingkayad dahil masyado mas matangkad sakaniya si Rus.

"Suot mo rin sa'akin 'yan," nakangiting sabi niya habang nakatingkayad at nakahawak pa sa balikatb ni Rus.

Hindi umimik si Rus at agad na sinuot kay Kae ang headband na may tenga ng palaka. Inayos niya muna sa buhok ni Kae ang headband, ng matapos ay agad niyang hinalikan ang tungkil ng ilong ni Kae.

"Let's go, my adorable frog," he whispered softly, intertwining their hands.

Napangiti ng malawak si Kae ng maramdaman niya na naman ang paru-paro sa loob na t'yan niya, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib niya dahil sa kilig.

"Mag picture pala tayo!"

Mas lalo siyang dumikit kaya Rus upang makita siya sa camera. Naka ilang pose na naman sila bago sila tumigil sa pagkuha ng litrato.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن