Chapter 13

2 1 0
                                    

C H A P T E R 1 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mabuti na lamang at hindi na nagtagal ang lagnat ni Kae kaya ngayon ay makakakilos na siya ng maayos. Ngayon ay pinapanood lang ni Rus si Kae na nag serve sa mga customer mula sa office ng tito niya.

"May nabalitaan ako," biglang putol ng tito niya sa katahimikan kaya napa irap siya.

"Lagi ka namang may nababalitaan," nakangiwing sabi niya kaya mahina itong natawa.

"Bakit ka naman nagtago sa ilalim ng kama ni Kae habang nasa clinic siya?" nakangising tanong nito na halatang-halata na sa mukha nito na inaasar siya nito.

Pinag krus niya lamang ang mga braso saka sumandal sa sofa. "Ang mahalaga ay nailayo ko siya sa manyak na nurse na 'yun."

Umiling na nakangisi ang tito niya. "Nakikita ko sa'yo ang tatay mo."

"What do you mean? Ganito rin ba siya na in love noon kay mama?"

Napalakpak ito ng malakas. "In love ka na ngayon!?"

Mariin siyang napakagat sa labi niya at mahinang hinampas ang ulo. Hindi na lang siyang umimik, tumitig na lang kay Kae. At hindi na niya tuluyan na napansin na tuluyan na palang gumabi.

"Tito, ipasok niyo rin ako bilang waiter niyo."

Mabilis itong tumango at ngumisi ng malawak sakaniya. "Sige. Para naman hindi ka na mahirapan pang magdahilan kay Kae kung bakit mo laging sinusundo at hinahatid."

Inirapan niya lang ito at tuluyan ng lumabas ng office nito. Nagpaalam na silang lahat sa isa't-isa bago sila tuluyang lumabas dalawa.

Tahimik lamang sila habang naglalakad sila. Ngunit bigla na lang tumigil ssa paglalakad si Kae kaya napatigil din siya at kunot noong nagbaba siya ng tingin dito.

"Bakit?" tanong ni Rus at humarap kay Kae.

Kita niyang humugot muna ito ng malalim na hangin saka lakas na loob humarao din sakaniya.

"Oh sa'yo na 'to!" inis na sabi nito at hinagis sa kanya ang isang measure tape na kulay puti.

Kunot noo niyang pinasadahan ito ng tingin. "Bakit mo ko binigyan ng ganito?"

Kusa na lang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya ng makita ang cute na mga doodle sa puting tape measure.

"Nilabahan mo 'yung bag ko d'ba? Well, dapat lang naman talaga gawin mo 'yun kasi natapon mo ulam ko pero lahat ng kasuksulukan ng bag ko nilisan mo. 5 years na 'tong hindi nalalabahan kaya sigurado akong n-nahirapan kang labahan 'to."

Puno ng paghanga niyang tinitigan ang namumulang mukha ni Kae ng tignan siya ni Kae ay nagtama ang mata nila.

May kung anong sumuntok sa puso niya habang naglalabanan sila ng titig ni Kae. HIndi niya magawang ihiwalay ang tingin dito dahil para siyang hinihipnotismo ng mga mata nito.

"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka natulog?" bulong niya habang mariin na nakatitig pa rin sa mga mata ni Kae.

Matindi ang pagpipigil niya sa sarili na huwag hapitin si Kae at yakapin siya ng mahigpit.

Dahan-dahan itong tumango kaya hindi niya maiwasang mapamashe sa sentido ng maramdamang bigla na lang iyon sumakit.

"Pwede mo namang gawin 'to ng ilang araw. Bakit kasi ginawa mo ito ng isang gabi lang?" inis niyang tanong.

Bigla namang umirap ito at malakas siyang hinampas sa braso kaya napangiwi siya.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo, ibibigay ko 'yan sa ibang mananahi," inis niyang sabi at akmang aagawin na ang measure tape ng mabilis niya itong tinaas.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now