"Kaya ito ako, nagbago para sa kaniya."pag ngiti niya sa akin.

Pero parang mali...

"Pero dapat 'di tayo nagbabago para sa tao, dapat nagbabago tayo para sa atin sarili."saad ko sa kaniya.

Mabilis siyang umiling, "Binago ko ang sarili ko pero 'di ang ugali ko."huminga ito ng malalim, "Ayaw ko na rin kaseng mabully e."matipiad na ngiti.

Kailangan ko munang masigurado kung ako nga iyon. Kung ako iyon aaminin ko sa kaniya kaagad. Magpapaliwanag ako na dapat wala siyang iapagbahala at tinutulungan lang ako ni Gordon dahil kaibigan ko ang mahal niya.

"Baba na tayo."mahina niyang sabi.

Pagbaba namin at hanggang makarating kami sa room ay ang mga mata ay 'di natanggal sa amin. Yung iba ay 'di makapaniwalang si Bea itong babaeng nasa tabi ko ngayon naka-upo.

Nakakahiya tuloy na tumabi sa kaniya, dahil mukha siyang alahas at ako ay mukhang kadena lang rito. Sa pagdating ng lunch ay walang Bea na sumabay sa akin at nakita ko siya na kasama ang Queen Bee pati ang mga alagad nito.

"Tria come and join to us."saad ng isa sa kanila.

Mabilis na lang akong tumingin at ningitian si Bea. "Kayo na lang."saad ko bago umalis.

Mag-isa tuloy akong kumain ngayon. Tanaw ko rito ang pagngiti at tawanan nila. Nakakatuwa dahil minsan lang magkaroon ng mga ganiyang kaibigan si Bea. Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman may umupo sa akin tabi.

Mabilis ko itong hinanpas ng makilala ko ito, "Haha, nagulat."pagtawa pa niya.

Hindi ko na ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain rito sa tinapay na dala ko, bigay ni Aling Neda. Napalingon ako rito ng tumahimik ito. Nakatitig siya sa kinakain ko na pandisal.

"Gusto mo?"alok ko sa kaniya at mabilis itong umiling.

Hindi pa rin ito nagsasalita kaya naman ay pinagpatuloy ko na ang pagkain. Kinuha ko ang tubig ko na nasa lumang tumbler ko. Sa totoo ay hindi ito pinapalabas sa bag ko ni Bea dahil ang pangit na raw ng kulay at ang dumi ng tignan.

"Aya lang ba ang kakainin mo?"lumingon ako rito sa tanong niya, mabagal nagtaas baba ang ulo ko habang ngumunguya.

"Ilibre na lang kita."nasamid ako at mabilis na umiling.

Nakakahiya...

Tumayo na ito at nais ko pa naman pigilan ay tinangal niya ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"No, it's okay. Sige bahala ka sisingilin kita sa lahat ng itinulong ko sayo, gusto mo 'yon?"pag ngiti nito.

Wala akong magawa kung 'di ang pumayag. Bumalik ako sa pagkaka-upo. Nang dumating na siya ay may dala na itong dalawang tray. Ngumiti ito sa akin at habang kumakain ay 'di ko maiwasan mapatingin sa gawi ni Bea na abala sa mga kasama niya.

"Bakit hindi mo kasama 'yun? Nag-away kayo?"sunod-sunod na tanong nito.

Umiling ako, "Hindi ngayon lang ulit kase siya nagkaroon ng mga kaibigan."pag ngiti ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Pero mukhang nakalimutan ka na niya."saad nito na seryoso, ako naman ay tinawanan lang ito.

"Bakit naman ako makakalimutan niyan e, matalik na kaibigan ko siya."pekeng tawa ko at naging mahina ito ng tinaasan ako ng kilay ni Lincoln.

"Tologo ba?"mabilis akong tumango.

-

"Salamat po."

Nakangiti kong pasalamat sa tindera rito sa convenience store. Napatitig ako sa binili kong strawberry milk para kay Bea. Sabi niya kase na masama ang
pakiramdam niya ngayon kaya nauna at di na siya nakasabay sa akin pauwi
kahapon. Kaya naman para bumuti ang lagay niya ay binili ko siya nito, kahit medyo may kamahalan.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon