Chapter 4

24 6 12
                                    

45 Days With You

#Waiting for you

"You think I will live my life carefree? I mean I can fly and have a freedom?" tanong ko kay Taymer habang seryosong naglalakad sa pathway papuntang rooftop.

He opened up about life, that's why I asked him about life if I have freedom to consider myself.

"Mm. . ." he said then I felt that he tightened and intertwined our hands.

Binalingan ko nang tingin iyong kamay namin.

That was so sexy. First time kong may humawak sa akin ng ganito.

Saka ako nagangat ng tingin sa kanya. Here now again the strange feeling I usually feel.

"Nung isinilang tayo, ay nasa atin na ang kalayaan. But, it's depends on how your parents do a thing for you, nasa iyo kung gusto mong malaya ka. Pero hindi mo magagawa kapag may hadlang, barriers is always in there pero kung gusto mo magagawan iyan ng paraan." Sagot niya na ang tingin ay nasa daan.

Iyon rin ang sagot nila, when a child is born, it's means that child have a freedom to live their life, we born in this way to have a pure purpose to live our life as if we have a choice. A choice is there, pero paano naman ang iba na nahihirapan nang mabuhay sa mundong hindi alam kung saan ba ang tama o sumasangayon ba ang bawat pag ikot nito?

A world must be good when you're dealing with it, a lot of obstacles, challenges within it, as if you're living this world. It's not a choice but you have a great resemblance to show up, na 'hello nandito ako, kaya kailangan kung manatili' pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa iyo ang mundo.

Not when you knew that your living this world cruelty. 'Yung may takot kang mawala, 'yung may iniisip kang kalagayan at 'yung may mga bagay na kahit pilit mong makuha ay hindi mo parin makukuha.

"What if you messed up your life?" I asked him.

Nasa paanan na kami ng elevator kaya naghintay nalang kami ng ilang sandali, but instead of using a elevator ay naglakad nalang kami papunta sa may hagdanan.

"It's your choice. . . Or destiny chosen it for you. Ikaw lang rin ang makakaalam kung bakit nagkakaganyan ka, may pinoproblema ka. As you said you want to be free? So, you need to overcome all of those things binded in your life. Pwedeng mawala pero pwede rin madagdagan. Sabi pa nila, ang buhay ay weather weather lang," he said, but the last part was incredible.

I laughed because of that, and it seemed he knew it's was a joke. Nauna siyang maglakad sa akin habang buhat buhat iyong dextrose ko, ang isnag kamay rin ay nasa akin.

"Yeah, thank you," I said sincere.

"Nagpapasalamat ka dahil?" tanong niya.

"Everything you said," sagot ko medyo nahihiya pa.

"You're all welcome," sagot niya at ilang sandali lang din ay narating na namin ang pinakadulo.

The wind brushing my bare skin kaya nakaramdam kaagad ako ng lamig, since it's already night may mga stars at ang crescent moon was there also. The stars are twinkling, sabi nila hindi raw talaga kumukutip kutitap ang butuin pero para sa akin ay kumikislap ito dahil may mga buhay ito. Naniniwala kasi ako na kapag may taong sumakabilang buhay ay nagiging butuin ito.

"Ajiya is one of them now," saad ni Taymer ng pareho kaming nakatingin isang maliwag na butuin.

"Naniniwala ka rin na kapag may taong sumakabilang buhay ay magiging star?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya inalis ang tingin pero sumilay ang ngiti niya. Ito iyong sabi nila na kapag nasasaktan ka ay mas pipiliin mo nalang na ngumiti para hindi ipakita sa ibang tao na nahihirapan ka. Not until you concealed everything happened, pwede ka namang maging mahina sa panandalian panahon lang. Ika pa nila, 'iiyak mo nalang iyan lahat ng isang labasan'.

45 Days With You ✓ (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin