Chapter 15

20 2 0
                                    

45 Days With You

#I'll live my life longer...

One moment in my life is just hilarious to me. Ang pagkakaalam ko ay nawala ako sa sarili ko, pero iyong nangyari sa pamilya ni Taymer ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang isipin.

After that day, he didn't go there to meet me. Naiintindihan ko iyong dahilan niya dahil hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay, for no reason inisip ko iyong mga binitawan kong pangako sa kanila.

Kaya buong puso kong nirerespeto ang desisyon ni Taymer. Nagdaan ng isa, dalawa at tatlong araw na hindi siya nagparamdam sa akin. I wanted to confront him, to comport him. He needs that; he badly needs that. Hindi man ako kundi sa mga taong pinagkatitiwaan niya.

"He's having a hard time right now," sabi ni Daddy sa akin habang nakatulala sa isang tabi.

Watching outside is just forever. I wanted to watch all I can kasi baka sa isang sandali ay 'di ko na makita pa itong muli.

Nakauwi na sila dahil sa masamang nangyari. Hindi rin ako pinansin ni Mommy, siguro nalaman niya iyong sitwasyon ko ilang araw na ang nakakaraan.

"Naaawa na ako sa batang 'yon. Wala pa ngang 40 days iyong pagkawala ng kapatid niya sumunod na ulit iyong Nanay niya," sambit ni Mommy.

Walang imik akong nakikinig sa pinaguusapan nila. Kahit ako ay naaawa ako kay Taymer, walang madali kapag nawala iyong iniingatang mong pamilya, at minahal mong pamilya. Kaya nga ako natatakot sa mga nangyayari sa akin.

Ngayon lang din pumasok sa isip ko na mahalaga ang bawat sandali na kasama ko sila. Paano kung ako iyong nasa sitwasyon niya. O 'di kaya ay ako iyong mawala?

Makakaya kaya nila na maging masaya?

Iniisip ko palang ay nasasaktan na iyong damdamin ko. Masakit mawalan at nakakatakot mawala.

"We should pay a visit to him and my friend," sagot ni Daddy kay Mommy.

"Kailangan nga," sagot ni Mommy.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. Wala akong ganang lumabas o pumunta. I just wanted to be here.

Gusto ko lang dito magisa.

Kasi kung nandoon ako mas makakadagdag pa ako sa pasanin na iniisip niya.

Gaya ng mga sinabi nila. Ayaw kong masaktan si Taymer ng dahil sa akin. Kasi wala rin namang mangyayari, kung papairalin ko iyong kumpyansa sa sarili ko. May tanin na iyong buhay ko. May limitasyon na akong hinintay. Iyong sinasaad na time lapse ay nakasaad nang maubos.

I feel that. . .

Buong araw ay kung saan saan umubot iyong isip ko. I overthink to hard hanggang sa point na hindi na namalayan na may panibagong umaga na ulit ang sumalubong sa akin.

When I woke up, I saw my parents hugging each other again. I love seeing them in love, and that love was created by me, but their love for each other is so strong because I'm weak, and I'm not sure if I can spend my holidays with them.

Gusto ko pa silang makasama magpasko, gusto ko pang salubungin ang bagong taon na nandoon sila. Kung may huling hiling ako, sana ay iyon nalang. Masyado na akong maraming hiniling pero hindi pa tiyak kung mangyayari pa lahat ng mga hiniling ko. Kung may pagkakataon mas maganda, kung wala ay tatanggapin ko gaya ng pagtanggap ko sa hanggang at may limitasyon nalang ang natitira sa akin.

Nabubuhay ako ng natatakot, gumigising ako ng may pinaglalaban at natutulog akong mabigat sa kalooban. Ganito ko inahahalintulad ang araw, gabi at umaga ko.

45 Days With You ✓ (Stand-alone)Where stories live. Discover now