Sa kaniyang isipan ngayon ay pinapatay niya na ng walang tigil si Vince. Gusto niya na ngayon bumalik sa bar at balikan si Vince ng suntok at sipa dahil ramdam niya na hindi pa sapat ang kanina niyang ginawa dito.

"N-Nagmakaawa ako ng gabing 'yun sakaniya, Rus. Punyeta, 'yun ang pinakamalaking pagkakamali ko. Nagmakaawa ako na huwag niya kong iwan, at hindi niya 'nga iniwan. Kinontrol niya ko at hinawakan sa leeg na para bang pagmamay-ari niya talaga ako. Ni wala man lang ako nagawa para ipagtanggol ko ang sarili ko sa tuwing sinisisi niya ko sa mga bagay na siya ang may kasalanan."

At tuluyan ng nanginig ang kamao doon ni Rus. Nakikita niya ang imahe ni Kae na ilang beses ng lumuha dahil sa walang kwentang ex niya.

"P-Paano ka nakawala sa kamay ng gagong 'yun?" maingat niya na tanong.

Napalunok si Kae ng makitang sobrang dilim na ng mukha ni Rus. Naglalabasan na rin ang mga ugat sa braso nito, halatang isang salita niya pa ay tuluyan na siyang sasabog sa galit.

Sa katunayan ay mas lalo talagang nakakatakot magalit si Rus kaysa kay Vince. Nakakatakot 'nga talagang magalit ang isang tao na lagi mong nakikitang masaya at palabiro.

"H-Hindi naging madali. Kahit pakikipaghiwalay sa kanya, ilang beses din akong nagmakaawa sakaniya para lang pakawalan niya ko. Pinilit ko ang sarili ko na huwag ng magmakaawa dahil m-mahal k-ko pa siya."

"Naalala mo ba 'yung araw na naglalakad ka haabang umiiyak?"

Kumunot ang noo ni Kae at pinunasan ang tumulong sipon gamit ang likurang palad niya. "Marami akong beses na umiiyak habang naglalakad."

Wala sa sariling napatitig nalamang si Rus sa basang mukha ni Kae. Ibig sabihin ay ilang beses na rin itong nadapa sa daan habang umiiyak?

"Wag mo ng pansinin ang sinabi ko." Tumayo na siya at pinagpag ang pang-upo.

Mabuti na lamang at kumalma ang buong sistema niya habang tinititigan ang umiiyak na mukha ni Kae.

"Yung araw na sinabi ko kay Vince na may iba na kong mahal, doon niya na ko tuluyang pinakawalan."

Kahit pa may gusto pang itanong si Rus ay pinigilan niya na ang sarili at hinila na ang dalaga patayo. Gamit ang dalawang palad ay pinunasan niya ang basang pisngi nito, pati na rin ang tumulong sipon nito ng walang pandidiri.

"Ngayon na alam ko na ang nakaraan niyong dalawa ng gagong Vince na 'yun, gusto kong huwag mo na siyang alalahanin pa, huwag mo na rin banggitin ang nakakadiri niyang pangalan dahil lahat ng mga salita na lumalabas sa bibig mo, ay nagiging maganda sa pandinig ko. Ayokong maging maganda sa pandinig ko ang pangalan ng gagong 'yun."

Napatitig na lamang si Kae sa mga mapungay na mata ni Rus habang nararamdaman niya ang maint at malaking kamay nito na pinupunasan ang buong mukha niya.

Rinig na rinig niya ang malakas na kabog dibdib niya at para bang may paru-parong naglalaro sa loob ng t'yan niya habang pinapanood ang bawat pag galaw ng mga mata ni Rus.

"Rus."

"Hmm?"

"Tayo na."

Nanlaki ang mata niya at napatigil sa pagpupunas ng mariing iyon. Kumurap siya ng ilang beses at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kae.

"A-Anong s-sinabi mo?" nanginginig niyang tanong.

Malakas itong bumuntong hininga at puno ng kaseryosohan na nakipaglabanan ng titig sa mapungay nitong mga mata.

"Ang sabi ko tayo na, sinagot ka na kita, Rus."

Napangiwi na lang si Kae ng makitang parang nabato na si Rus sa harapan niya. Para bang ayaw pa nito maniwala.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now