Chapter Fifty

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yown cake oh!" sabi naman ni LJ na kasalukuyang nakasalampak ngayon sa pink at bulaklaking kama ni Chichi. Maraming gamit sa kwarto ni Chichi. Mga stufftoys sa tukador at kama, iba't ibang mga cute na una---may flower shape, heart shape, etc. Ang dami rin naka dikit sa pader. Mga posters ng mga kpop idols, pati mga pictures namin na pinrint niya sa polaroid film. Sobrang opposite ng room ko na walang masyadong gamit. Kung ano lang ang importante. Pero nainggit ako. Parang gusto ko ring mag lagay ng mga pictures namin.

Nakita kong binubuksan na agad ni LJ yung cake na dala ko pero sinuway naman siya ni Chichi at sinabing kakain muna kami ng dinner.

Kanina pa raw nandito si LJ. Nagulat na lang daw si Chichi n aumaga pa lang, nasa labas na ng bahay nila si LJ.

"Eh ayokong tumambay sa amin," sabi nito habang kumakain kami ng lunch. "Ang bad vibes ng mood."

"Hindi pa rin kayo nag uusap ng papa mo?" tanong ko rito.

Tumango siya, "wala, ayaw naming magkibuan pareho. Kung hindi niya ako tanggap, edi hindi. May magagawa ba ako?"

There's pain in LJ's voice. Nakwento na niya sa amin ni Chichi ang nangyari. Her mom's in shocked nung nalaman niya ang tungkol kay LJ. Muntik pa raw siya ipag pray over. Pero after a day, nagusap din sila ng mommy niya at naging okay sila. Her siblings doesn't mind from the very start. Sabi pa nga raw nung isa na matagal na nilang alam yun kasi masaydong obvious si LJ. Pero yung papa niya, hanggang ngayon mukhang hirap pa rin tanggapin.

"Baka kailangan lang ng time ni Tito," sabi ni Chichi. "Alam mo naman, ikaw ang paboritong anak nun. Hindi ka matitiis nun."

"Tinitiis na nga niya ako ngayon," sabi ni LJ. "Buti pa kayo ng daddy mo Iris, okay na kayo."

Yes, naikwento ko na rin sa kanila ang tungkol sa amin ni daddy—pati ang nangyari noon kay mommy. Akala ko nga habang nag kukwento ako, maiiyak ako. Pero hindi. I manage to tell it to them calmly, siguro dahil okay na rin ang lahat ngayon. Mas naiyak pa nga si Chichi habang nagkukwento ako eh.

"And speaking of..." pag iiba naman ni LJ ng topic. "Ikaw Chichi, 'di pa ba kayo bati ni Harold?"

Napalingon ako kay Chichi, "nag away kayo ni Harold?!"

"Hindi kami nag away," paliwanag naman ni Chichi. "Hindi ko lang alam kung paano siya haharapin after ko siyang---you know---i-turn down."

"Ayorn, nabasted," sabi ni LJ. "Sira diskarte din nung isang 'yun eh."

Napabuntong hininga ako and I also feel bad for Harold.

Hindi pa kami nag uusap ulit at hindi ko pa nagagawang ipaliwanag ang side ko, at kahit masama ang loob ko sa kanya, naiintindihan ko pa rin why he acted that way.

Tagal nga naman niyang pinlano na umamin kay Chichi only for his feelings to be revealed that way. Siguro katulad lang din ni LJ, nanakawan siya ng chance na sa kanya mismo manggaling iyon.

"Chi... I hope hindi ako ang dahilan bakit mo siya tinurn-down," sabi ko, and I feel guilty pag iniisip ko yun.

"Uy hindi 'no!" giit ni Chichi. "Okay, I admit nagkaroon din ako ng crush dati kay Harold."

"Hindi ngaaaa?" sabi ni LJ na parang 'di siya makapaniwala sabay tulak kay Chichi. "Ang galing niyo magtago ng feelings ni Harold ha! Hindi halata! Pero ba't mo siya binasted?"

"Eh hindi ko na siya crush," diretsahan namang sagot ni Chichi. "Naguguluhan kasi ako dati sa kanya. Akala ko gusto niya si Mona, tapos akala ko rin gusto niya si Iris. So ako naman syempre, ayokong aksayahin ang beauty ko sa isang lalaki na 'di ako gusto, kaya nag move-on ako. Eh it turns out, type pala niya ako all this time. Too late na nga lang nung nalaman ko."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon