“Ang pinaka malaking pagsubok na pinagdaanan ko as a gay or bisexual is that some people don’t accept the life we want, they immediately judge us on the outside… pinandidirihan nila kami, well hindi ko naman sila masisisi dahil may sari-sarili tayong pananaw sa buhay. So ginagawa ko ay hinahayaan ko sila… Even it hurts, hinahayaan ko sila. Hindi sa hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko, hinahayaan ko sila dahil wala naman silang magagawa para baguhin tayo,  kami. Ako ang may control sa buhay ko at alam ko kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin–” napatigil naman ko sandali dahil sa palakpakan ng mga tao. “So bilang isang tahimik na tao, I let them hurt me using their painful words but, I’ll never give up at ipagpapatuloy ko kung ano ang nasimulan ko.” Dagdag ko.

“Wow! Ang tatalino ng mga candidate naten ngayon ahh. Well thank you candidate number seven” sabi ng MC kaya bumalik na ako sa pwesto ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil tapos na ako.

                               *****

Natapos na ang lahat ng mga candidates sa pagsagot at heto na! Naianunsyo na kung sino ang fifth, fourth, third and second runner up at I’m still hoping na makapasok kahit first runner up.

“Ngayon, magsaya ka na candidate number one dahil ikaw ang ating first runner up! At tumili ka na candidate number seven dahil ikaw ang ating Miss Gay winner!!!!” Anunsyo ng mc kaya napapalakpak naman ako sa tuwa bago pumunta sa harapan.

“Kuya ay este ate namen yan!!!!” Sigaw ni Aileen.

“Congratulations!!” Bati ulit ng MC bago nilagay sa ulo ko ang korona.
Nagkaroon naman ng picture taking pagkatapos at ng matapos sila tumakbo ako papalapit sa nga kapatid ko.

“Kyaaaaaa–” natigilan naman ako sa pagtili ng bigla akong matapilok at napanganga ng babagsak ako.

“Kuya!” Sabay-sabay na sigaw nung tatlong kapatid ko pero bago pa ako bumagsak may kamay ng humila sa braso ko at nagulat ako ng makita ko na naman ang mukha ni Alfred na sobrang lapit saaken.

“Sabing careful ehh” seryoso niyang sabi at bakas ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Are you ok? Hindi naman masakit ang paa mo?” Tanong niya pero nanatili akong nakatitig sa mga mata niya kahit ramdam ko ang sakit ng bukong-bukong ko.

Magkasing tangkad lang kami pero totoo ba tong nakikita ko sakanya? Nag-aala siya saaken? Pero bakit?

“Hey” agaw niya sa atensyon ko kaya napaiwas naman ako ng tingin at inalis ang dalawang kamay ko na nakasandal sa dibdib niya.

Pero hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya at bigla na lang niya iniluhod ang isa niyang tuhod sa sahig.

“Ackkkk” rinig kong impit na tili ni Aileen.

“You should wear slippers now, baka mapano pa etong paa mo” malumanay niyang sabi at siya na mismo ang nagtanggal nung high heels kong suot at marahang isinuot saaken ang tsinelas na dala niya. “Ang baho, amoy patay na daga” biglang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko at inilayo ang paa ko sakanya.

“Hoy! Malinis yan ahh!” Sabi ko sa boses lalaki kaya tumawa naman siya. “G*gong to, ako na nga. Aray” sabi ko sabay taas ng gown ko kahit masakit ang paa ko naupo ako sa sahig.

“Hahahahaha I’m just joking, ako na” sabi niya at aagawin sana saaken ang tsinelas pero inilayo ko sakanya.

“Ako na! Aileen tulungan mo ako” sabi ko kaya dagli namang lumapit saaken si Aileen at naupo sa harapan ko.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now