Mahinang tinapik ni Rus ang likuran ni Kae. "Kumalma ka, Kae. Hindi ako makapag focus sa pag-usap sa kanila."

"Edi mag focus ka."

Bumuga ng mabigat na hangin si Rus at hinawi ang mahabang buhok ni Kae papunta sa isang side lamang. "Paano ako makakapag focus kung sinisinghot mo ko?"

Napakurap ng ilang beses ang dalaga. Agad siyang napatigil sa ginagawa dahil napagtanto niya na inaamoy niya 'nga talaga si Rus.

"Shit, sorry." Malakas niyang hinampas ang sariling noo. Nakagawa na naman siya ng kahihiyan.

Rus chuckled sexily. "You can smell me all you want, Kae. Wag lang tuwing may kausap ako at nanggigigil ako lalo sa'yo."

Matalim na tinignan siya ni Kae. "Gago."

"Mahal kita." At malambing na hinalikan ang ulo ni Kae.

Wala ng ibang nagawa si Kae kung hindi titigan na lamang ang nakakaakit na mukha ni Rus ng bigla na lamang siyang narinig na pamilyar na boses, ng siyang dahilan para maging bato siya sa kinauupuan niya.

Naramdaman iyon ni Rus kaya agad niyang hinawakan ang balikat nito at kunot-noong hinarap si Kae.

"Hey, something wrong?" he softly asked.

Pero hindi ito nagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa likuran niya kaya dahan-dahan niyang sinundan ito.

"V-Vince."

Nanlaki ang mata ni Rus dahil sa pangalan na lumabas kay Kae. "Yung gago mong ex!?"

At sa wakas ay nahiwalay na ni Kae ang mata kay Vince. Puno ng emosyon ang mga mata niya ngayon habang nakatitig sa mga mata ni Rus.

"Gusto mo ng umuwi?" marahan na tanong ni Rus habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Kae.

Malakas na bumuntong hininga si Kae saka umiling. "O-Okay lang-"

"Sa'akin ka pa nagsinungaling? Alam mong kabisado kita, Kae. Wag mo ng pahirapan sarli mo, tara na-"

"Gusto kong hayaan ang sarili ko na harapin lahat ng kinatatakutan ko. Ayoko na sila iwasan dahil in the first place, dapat sila ang umiiwas, hindi ako."

Tinitigan niya ang seryosong mukha ni Kae. Hindi katulad dati, sa tuwing pinag-uusapan nila ang ex niya may takot at pangamba ang mababasa mo sa expression nito, ngunit ngayon ay puno na ng tapang.

Tumango na lamang si Rus at mahigpit na pinagsiklop ang kamay nila. "Basta wag kang lalayo sa'akin."

Tango na lamang ang sinagot ni Kae at sumandal muli sa balikat niya. Habang siya ay bumalik sa kulitan ng dati niyang mga classmate. Hanggang sa naramdaman niya na lang ang talim na titig mula sa malayo.

Napangisi na lang siya ng malawak at puno ng tapang na sinundan ang matalim na titig. Ngumiti siya ng malawak sa lalaking may hawak na baso ng alak sa isang kamay niya. Halatang-halata dito ang matinding inggit at selos kaya nilabas niya ang mapang-asar na ngiti niya.

Para mas lalong maasar ang lalaki ay pinadausdos niya ang malaking palad sa bewang ni Kae at hinapit si Kae palapit sa katawan niya. At puno ng lambing niyang hinalikan ang ulo nito.

"Ang panget pala ng ex mo. Mukhang tambay sa kanto na walang pangarap sa buhay," nakangiwing bulong niya mismo sa tenga ni Kae.

Mahinang natawa si Kae at tiningala siya. Halos magdikit na ang ilong nilang dalawa dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa, ngunit ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob na umatras man lang.

Sa halip at nag-usap sila ng ganu'n ang pwesto.

"I know right. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala na pinatulan ko at iniyakan ko 'yang gagong 'yan. Don't blame me, love makes me crazy."

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt