Chapter 32

311 14 0
                                    

Everything is settled now. Pupunta muna ako pagsamantala sa Buenavista para magpahinga ng mga ilang linggo bago ako babalik ulit dito para mag train para sa Miss Universe. 


Miss na miss ko na ang Buenavista ang lolo't lola ko doon. Buwan-buwan ko silang nadadalaw noon pero no'ng masyado na akong naging abala sa lahat ng mga gagawin ko ay hindi ko na iyon nagagawa. Tamang video call at chat lang nagagawa namin. 


Mabuti na rin at kahit papaano ay kasama nila ang mga kapatid ko doon kaya panatag na rin ang kalooban ko na kahit nasa malayo ako ay may kasama pa rin sila. 


"Parang gusto kong sumama," wika ni Yttrep sabay sandal sa upuan niya. Yttrep is a journalist now and kagaya ko ay napaka-busy na rin ng schedule niya. Halos kaming lahat ay busy na rin sa mga kanya-kanyang schedule namin hindi tulad ng dati. Totoo talaga na minsan ka lang talaga na maging teen-ager kaya dapat lang na sulitin mo 'yon ng tama. 


"Sa susunod, planohin na 'tin 'yan kasama sina Marina," sagot ko naman sa kanya. It is evident that she was thinking of someone when I mentioned that plan and I can't help but think of the same person.


"Kailan kaya ulit na 'tin siya makakasama pauwi?" tanong niya sa'kin pero hindi ako agad na nakasagot, She had a tough time dealing with a lot of issues back there kaya hindi ko siya masisisi kung ayaw niya na talagang bumalik sa Buenavista. Even if that city gave her a lot of happy memories, it also gave her one of the most painful ones. 


"Hayaan na muna na 'tin siya sa ngayon. Ang importante alam na 'tin na masaya siya sa ginagawa niya ngayon," I assured her before smiling. Tumango lang si Yttrep tsaka niya ulit isinuot ang glasses niya para magpatuloy sa pagsusulat. 


"I really do hope she's happy on the other side of the world," she responded making me feel a little sad. I miss her so much. We rarely talk to each other now and hindi na rin siya masyadong nagsasalita sa GC naming lima. Hindi na siya katulad ng dati na siyang panimula ng lahat ng mga gala at bonding namin. 


Nang matapos ako sa pag-eempake ng mga damit ko ay napagdesisyunan ko na tawagan sina Lolo't lola na bukas na ang flight ko pagkatapos ko silang ma-inform ay nag-shower muna ako para free na akong magpahinga. Wala namana kasi akong gagawin sa mga oras na 'to. 


Naka-upo lang ako sa bed habang nagtatype sa phone. I'm currently having  a chat with Samuel. Nasa office pa rin daw siya ngayon, gumagawa ng mga paperworks at kung ano-anong bagay. He's very busy with his job and he's also taking-up a business course so kailangan niya talagang i-manage ang oras niya. 


Leah: Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kilala kita. 


Samuel: I should be the one telling you that. You should take a rest now, may flight ka pa bukas. 


Leah: Ikaw din. Magpahinga ka. 


Samuel: Goodnight, love. 


Leah: I love you, goodnight. 


Pinatay ko ang cellphone at humiga at sinubukang matulog. Lumingon ako sa malawak na espasyo sa tabi ko. Nilagyan ko ito ng unan tsaka ko ito niyakap ng mahigpit. Namimiss ko na talaga siya. Kahit na hindi na kami gano'n kalayo tulad ng dati ay parehas pa rin kaming abala sa pagtupad ng mga pangarap namin. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now